البحث

عبارات مقترحة:

الغفور

كلمة (غفور) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعول) نحو: شَكور، رؤوف،...

الباسط

كلمة (الباسط) في اللغة اسم فاعل من البسط، وهو النشر والمدّ، وهو...

المتين

كلمة (المتين) في اللغة صفة مشبهة باسم الفاعل على وزن (فعيل) وهو...

سورة الأعراف - الآية 155 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَاخْتَارَ مُوسَىٰ قَوْمَهُ سَبْعِينَ رَجُلًا لِمِيقَاتِنَا ۖ فَلَمَّا أَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ قَالَ رَبِّ لَوْ شِئْتَ أَهْلَكْتَهُمْ مِنْ قَبْلُ وَإِيَّايَ ۖ أَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ السُّفَهَاءُ مِنَّا ۖ إِنْ هِيَ إِلَّا فِتْنَتُكَ تُضِلُّ بِهَا مَنْ تَشَاءُ وَتَهْدِي مَنْ تَشَاءُ ۖ أَنْتَ وَلِيُّنَا فَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا ۖ وَأَنْتَ خَيْرُ الْغَافِرِينَ﴾

التفسير

Humirang si Moises ng pitumpong lalaking kabilang sa mga mainam sa mga kalipi niya upang humingi ng paumanhin sa Panginoon nila dahil sa ginawa ng mga hunghang nila na pagsamba sa bulô. Nangako si Allāh sa kanila ng isang tipanang pupuntahan nila. Noong nakapunta na sila ay naglakas-loob sila kay Allāh. Hiniling nila kay Moises na ipakita nito sa kanila si Allāh nang mata sa mata, kaya dinaklot sila ng lindol at nawalan sila ng malay dala ng hilakbot doon at nalipol sila. Kaya nagsumamo si Moises sa Panginoon niya at nagsabi: "O Panginoon ko, kung sakaling niloob Mo ang paglipol sa kanila at ang paglipol sa akin kasama nila bago ng pagdating nila ay talaga sanang nilipol Mo sila. Lilipulin Mo ba kami dahilan sa ginawa ng mga mahina ang isip kabilang sa amin? Ang isinagawa ng mga kalipi ko na pagsamba sa bulô ay walang iba kundi isang pagsusulit Mo at pagsubok Mo, na pinaliligaw Mo sa pamamagitan niyon ang sinumang niloloob Mo at pinapatnubayan Mo ang sinumang niloloob Mo. Ikaw ay ang tagatangkilik sa kapakanan namin kaya magpatawad Ka sa Amin sa mga pagkakasala namin at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng awa Mong malawak yayamang Ikaw ang pinakamainam sa mga nagpatawad ng pagkakasala at nagpaumanhin ng kasalanan.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم