البحث

عبارات مقترحة:

الأحد

كلمة (الأحد) في اللغة لها معنيانِ؛ أحدهما: أولُ العَدَد،...

الظاهر

هو اسمُ فاعل من (الظهور)، وهو اسمٌ ذاتي من أسماء الربِّ تبارك...

الله

أسماء الله الحسنى وصفاته أصل الإيمان، وهي نوع من أنواع التوحيد...

سورة الأعراف - الآية 160 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَقَطَّعْنَاهُمُ اثْنَتَيْ عَشْرَةَ أَسْبَاطًا أُمَمًا ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ إِذِ اسْتَسْقَاهُ قَوْمُهُ أَنِ اضْرِبْ بِعَصَاكَ الْحَجَرَ ۖ فَانْبَجَسَتْ مِنْهُ اثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَشْرَبَهُمْ ۚ وَظَلَّلْنَا عَلَيْهِمُ الْغَمَامَ وَأَنْزَلْنَا عَلَيْهِمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ ۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ﴾

التفسير

Hinati-hati Namin ang mga anak ni Israel sa labindalawang lipi. Nagsiwalat Kami kay Moises noong humiling sa kanya ang mga kalipi niya na manalangin siya kay Allāh na painumin sila. [Nag-utos si Allāh sa kanya]: "Hampasin mo, O Moises, ng tungkod mo ang bato." Kaya hinampas naman iyon ni Moises at may bumulwak mula roon na labindalawang bukal, ayon sa bilang ng labindalawang lipi nila. Nalaman nga ng bawat lipi nila ang inuman nitong nakalaan dito kaya walang nakikilahok dito na iba pang lipi. Nagpalilim Kami sa kanila ng mga ulap na umuusad sa pag-usad nila at tumitigil sa pagtigil nila. Nagbaba Kami sa kanila mula sa mga biyaya Namin ng matamis na inumin tulad ng pulut-pukyutan at munting ibong kaaya-aya ang karne na nakahahawig ng pugong labuyo. Nagsabi Kami sa kanila: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo. Hindi Kami nagkulang ng anuman sa naganap sa kanila na paglabag sa katarungan, kawalan ng utang na loob sa mga biyaya, at kawalan ng pagpapahalaga sa mga ito nang totoong pagpapahalaga, subalit sila ay sa mga sarili nila lumabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga bahagi ng mga ito nang dinala nila ito sa mga pinagmumulan ng kapahamakan dahil sa pagkagawa nila ng pagsuway sa utos ni Allāh at pagkakaila nila sa mga biyaya nila."

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم