البحث

عبارات مقترحة:

المقيت

كلمة (المُقيت) في اللغة اسم فاعل من الفعل (أقاتَ) ومضارعه...

المليك

كلمة (المَليك) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعيل) بمعنى (فاعل)...

الحق

كلمة (الحَقِّ) في اللغة تعني: الشيءَ الموجود حقيقةً.و(الحَقُّ)...

سورة الكهف - الآية 17 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿۞ وَتَرَى الشَّمْسَ إِذَا طَلَعَتْ تَزَاوَرُ عَنْ كَهْفِهِمْ ذَاتَ الْيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَتْ تَقْرِضُهُمْ ذَاتَ الشِّمَالِ وَهُمْ فِي فَجْوَةٍ مِنْهُ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ ۗ مَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِ ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ وَلِيًّا مُرْشِدًا﴾

التفسير

Kaya sumunod sila sa ipinag-utos sa kanila. Nagpukol si Allāh ng pagkatulog sa kanila at nangalaga sa kanila laban sa kaaway nila. [Kung naroon ka,] makikita mo, O tagapanood sa kanila, ang araw, kapag lumitaw iyon sa silangan niyon, na kumikiling palayo sa yungib nila sa dakong kanan ng papasok dito, at kapag lumubog iyon sa sandali ng paglubog niyon, na lumilihis palayo sa yungib sa dakong kaliwa niyon kaya hindi tumatama iyon dito. Sila ay nasa isang lilim na palagian, na hindi nasasaktan ng init ng araw habang sila ay nasa isang kalawakan ng yungib. Nadudulutan sila ng hangin na kinakailangan nila. Ang nangyayaring iyon sa kanila na pagkakanlong sa kanila sa yungib, ang pagpukol ng pagkatulog sa kanila, ang paghilig ng araw palayo sa kanila, ang paglawak ng pook nila, at ang pagliligtas sa kanila laban sa mga kababayan nila ay kabilang sa mga kataka-taka mula sa gawa ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya. Ang sinumang itinuon ni Allāh sa daan ng kapatnubayan ay ito ang napapatnubayan nang totohanan. Ang sinumang binigo Niya roon at pinaligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang tagapag-adya na magtutuon dito sa kapatnubayan at maggagabay dito roon dahil ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay nito.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم