البحث

عبارات مقترحة:

النصير

كلمة (النصير) في اللغة (فعيل) بمعنى (فاعل) أي الناصر، ومعناه العون...

الكريم

كلمة (الكريم) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل)، وتعني: كثير...

الملك

كلمة (المَلِك) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعِل) وهي مشتقة من...

سورة الكهف - الآية 21 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَكَذَٰلِكَ أَعْثَرْنَا عَلَيْهِمْ لِيَعْلَمُوا أَنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَأَنَّ السَّاعَةَ لَا رَيْبَ فِيهَا إِذْ يَتَنَازَعُونَ بَيْنَهُمْ أَمْرَهُمْ ۖ فَقَالُوا ابْنُوا عَلَيْهِمْ بُنْيَانًا ۖ رَبُّهُمْ أَعْلَمُ بِهِمْ ۚ قَالَ الَّذِينَ غَلَبُوا عَلَىٰ أَمْرِهِمْ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيْهِمْ مَسْجِدًا﴾

التفسير

Gaya ng ginawa Namin sa kanila na mga gawaing kataka-takang nagpapatunay sa kakayahan Namin gaya ng pagpapatulog sa kanila nang maraming taon at paggising sa kanila matapos niyon, nagpabatid Kami sa kanila sa mga naninirahan sa lungsod nila upang malaman ng mga naninirahan sa lungsod nila na ang pangako Namin ng pag-aadya sa mga mananampalataya at ang pagbuhay ay totoo at na ang Araw ng Pagbangon ay darating nang walang duda hinggil doon. Kaya noong nabunyag ang lagay ng mga magkasama sa yungib at namatay sila, nagkaiba-iba ang mga nakababatid sa kanila kung ano ang gagawin ng mga ito patungkol sa kanila. May nagsabing isang pangkat kabilang sa mga ito: "Magpatayo kayo sa ibabaw ng yungib nila ng isang gusaling tatakip sa kanila at mangangalaga sa kanila. Ang Panginoon nila ay higit na nakaaalam sa kalagayan nila at ang kalagayan nila ay humihiling na mayroon silang pagkatangi sa ganang Kanya." Nagsabi naman ang mga may impluwensiya kabilang sa mga walang kaalaman ni pahayag na tumpak: "Talagang gagawa nga kami sa ibabaw ng pook nilang ito ng isang patirapaan para sa pagsamba bilang pagpaparangal sa kanila at pagpapaalaala sa pook nila."

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم