البحث

عبارات مقترحة:

الوكيل

كلمة (الوكيل) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) بمعنى (مفعول) أي:...

الغفار

كلمة (غفّار) في اللغة صيغة مبالغة من الفعل (غَفَرَ يغْفِرُ)،...

المقيت

كلمة (المُقيت) في اللغة اسم فاعل من الفعل (أقاتَ) ومضارعه...

سورة الكهف - الآية 29 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَقُلِ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَمَنْ شَاءَ فَلْيُؤْمِنْ وَمَنْ شَاءَ فَلْيَكْفُرْ ۚ إِنَّا أَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمْ سُرَادِقُهَا ۚ وَإِنْ يَسْتَغِيثُوا يُغَاثُوا بِمَاءٍ كَالْمُهْلِ يَشْوِي الْوُجُوهَ ۚ بِئْسَ الشَّرَابُ وَسَاءَتْ مُرْتَفَقًا﴾

التفسير

Sabihin mo, O Sugo, sa mga naliligta sa pag-alaala kay Allāh dahil sa pagkalingat ng mga puso nila: "Ang inihatid ko sa inyo ay ang katotohanan. Ito ay mula sa ganang kay Allāh, hindi mula sa ganang akin. Hindi ako tumutugon sa panalangin ninyo sa akin na itaboy ko ang mga mananampalataya. Ang sinumang lumuob kabilang sa inyo ng pananampalataya sa katotohanang ito ay sumampalataya siya rito at magagalak siya sa ganti rito. Ang sinumang lumuob kabilang sa inyo ng kawalang-pananampalataya rito ay tumanggi siyang sumampalataya at sasama ang loob niya sa parusang naghihintay sa kanya." Tunay na Kami ay naghanda para sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagpili sa kawalang-pananampalataya ng Apoy na nakapalibot sa kanila ang mga bakod nito, kaya hindi nila makakayang tumakas mula rito. Kung hihiling sila ng saklolo sa pamamagitan ng tubig dahil sa tindi ng dinaranas nilang uhaw, sasaklolohan sila ng tubig na gaya ng langis na maputik na matindi ang init, na iihaw sa mga mukha nila dala ng tindi ng init nito. Kay sagwa bilang inumin ang inuming ito na isinaklolo sa kanila sapagkat ito ay hindi nakaaalis ng uhaw bagkus nakadaragdag pa ito roon at hindi nakaapula ng liyab na pumapaso sa mga balat nila. Kay sagwa ang apoy bilang tuluyang tutuluyan nila at bilang pinanatilihang pananatilihan nila!

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم