البحث

عبارات مقترحة:

الوارث

كلمة (الوراث) في اللغة اسم فاعل من الفعل (وَرِثَ يَرِثُ)، وهو من...

الباسط

كلمة (الباسط) في اللغة اسم فاعل من البسط، وهو النشر والمدّ، وهو...

السيد

كلمة (السيد) في اللغة صيغة مبالغة من السيادة أو السُّؤْدَد،...

سورة النّور - الآية 33 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَلْيَسْتَعْفِفِ الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ نِكَاحًا حَتَّىٰ يُغْنِيَهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَالَّذِينَ يَبْتَغُونَ الْكِتَابَ مِمَّا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ فَكَاتِبُوهُمْ إِنْ عَلِمْتُمْ فِيهِمْ خَيْرًا ۖ وَآتُوهُمْ مِنْ مَالِ اللَّهِ الَّذِي آتَاكُمْ ۚ وَلَا تُكْرِهُوا فَتَيَاتِكُمْ عَلَى الْبِغَاءِ إِنْ أَرَدْنَ تَحَصُّنًا لِتَبْتَغُوا عَرَضَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَمَنْ يُكْرِهْهُنَّ فَإِنَّ اللَّهَ مِنْ بَعْدِ إِكْرَاهِهِنَّ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

التفسير

Maghangad ng kalinisang-puri ang mga hindi nakakakayang mag-asawa dahil sa karukhaan nila hanggang sa magkaloob sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niyang malawak. Ang mga aliping naghahangad ng pakikipagkasunduan sa mga pinapanginoon nila na magbayad ng salapi upang lumaya sila, kailangan sa mga pinapanginoon nila na tanggapin iyon mula sa kanila kung nakaalam ang mga ito sa kanila ng kakayahan sa pagganap at ng kaayusan sa relihiyon. Kailangan sa mga pinapanginoon na magbigay sa mga alipin mula sa yaman ni Allāh na ibinigay Niya sa mga pinapanginoon sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga pinapanginoon sa mga alipin ng isang bahagi mula sa napagkasunduan nilang bayaran. Huwag ninyong pilitin ang mga babaing alipin ninyo sa pangangalunya bilang paghahanap ng salapi - gaya ng ginawa ni `Abdullāh bin Ubayy sa dalawang babaing alipin niya nang hiniling nang dalawang ito ang pagpapakabini at ang paglayo sa mahalay - upang hingin ninyo ang kikitain ng babaing alipin sa pagbibili ng katawan nito. Ang sinumang namilit para roon kabilang sa inyo sa mga babaing alipin, tunay na si Allāh, noong matapos ng pamimilit sa kanila, ay Mapagpatawad sa pagkakasala nila, Maawain sa kanila dahil sila ay mga pinilit; at ang kasalanan ay nasa namilit sa kanila.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم