البحث

عبارات مقترحة:

اللطيف

كلمة (اللطيف) في اللغة صفة مشبهة مشتقة من اللُّطف، وهو الرفق،...

الجبار

الجَبْرُ في اللغة عكسُ الكسرِ، وهو التسويةُ، والإجبار القهر،...

التواب

التوبةُ هي الرجوع عن الذَّنب، و(التَّوَّاب) اسمٌ من أسماء الله...

سورة الأحزاب - الآية 50 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِنَّا أَحْلَلْنَا لَكَ أَزْوَاجَكَ اللَّاتِي آتَيْتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتْ يَمِينُكَ مِمَّا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَيْكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّاتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَالَاتِكَ اللَّاتِي هَاجَرْنَ مَعَكَ وَامْرَأَةً مُؤْمِنَةً إِنْ وَهَبَتْ نَفْسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنْ أَرَادَ النَّبِيُّ أَنْ يَسْتَنْكِحَهَا خَالِصَةً لَكَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۗ قَدْ عَلِمْنَا مَا فَرَضْنَا عَلَيْهِمْ فِي أَزْوَاجِهِمْ وَمَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ لِكَيْلَا يَكُونَ عَلَيْكَ حَرَجٌ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا﴾

التفسير

O Propeta, tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo sa mga maybahay mong nagbigay ka ng mga bigay-kaya sa kanila; nagpahintulot para sa iyo sa anumang minay-ari ng kanang kamay mo na mga babaing alipin kabilang sa ibinigay Namin sa iyo na mga bihag [sa digmaan]; nagpahintulot para sa iyo ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng [mga] tiyuhin mo sa ama, pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ama, pag-aasawa sa mga babaing anak ng [mga] tiyuhin mo sa ina, at pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ina na lumikas kasama sa iyo mula sa Makkah patungong Madīnah; at nagpahintulot sa iyo ng pag-aasawa sa isang babaing mananampalatayang nagkaloob ng sarili nito sa iyo nang walang bigay-kaya kung nagnais ka naman na mapangasawa ito. Ang pag-aasawa ng kaloob ay natatangi sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan; hindi ito ipinahihintulot sa iba pa sa kanya sa Kalipunang Islām. Nakaalam nga Kami sa isinatungkulin Namin sa mga mananampalataya kaugnay sa nauukol sa mga maybahay nila yayamang hindi ipinahihintulot para sa kanila na lumampas sa apat na asawa, at isinabatas Namin para sa kanila kaugnay sa nauukol sa mga babaing alipin nila yayamang tunay na ukol sa kanila na magpakaligaya sa sinumang niloob nila sa mga iyon nang walang paglilimita sa bilang. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng ipinahintulot Namin mula sa nabanggit na hindi Namin ipinahintulot sa iba pa sa iyo upang hindi magkaroon sa iyo ng pagkailang at hirap. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم