البحث

عبارات مقترحة:

الأحد

كلمة (الأحد) في اللغة لها معنيانِ؛ أحدهما: أولُ العَدَد،...

الواحد

كلمة (الواحد) في اللغة لها معنيان، أحدهما: أول العدد، والثاني:...

سورة سبأ - الآية 3 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَا تَأْتِينَا السَّاعَةُ ۖ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتَأْتِيَنَّكُمْ عَالِمِ الْغَيْبِ ۖ لَا يَعْزُبُ عَنْهُ مِثْقَالُ ذَرَّةٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ وَلَا أَصْغَرُ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْبَرُ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ﴾

التفسير

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Hindi pupunta sa amin ang Huling Sandali magpakailanman." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Oo, sumpa man kay Allāh, talagang pupunta nga sa inyo ang Huling Sandali na pinasisinungalingan ninyo subalit walang nakaaalam sa oras niyon kundi si Allāh sapagkat Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay Nakaaalam sa anumang nakaliban mula sa Huling Sandali at iba pa roon. Hindi lumiliban sa kaalaman Niya - kaluwalhatian sa Kanya - ang bigat ng pinakamaliit na langgam sa mga langit ni sa lupa, at hindi lumiliban sa Kanya ang higit na maliit kaysa sa nabanggit na iyon ni ang higit na malaki, malibang ito ay nakasulat sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan na isinulat doon ang bawat bagay na mangyayari hanggang sa Araw ng Pagbangon.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم