البحث

عبارات مقترحة:

النصير

كلمة (النصير) في اللغة (فعيل) بمعنى (فاعل) أي الناصر، ومعناه العون...

الكبير

كلمة (كبير) في اللغة صفة مشبهة باسم الفاعل، وهي من الكِبَر الذي...

الملك

كلمة (المَلِك) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعِل) وهي مشتقة من...

Nararapat ang Sugo ng Allah

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات محمد صلى الله عليه وسلم - حقوق النبي صلى الله عليه وسلم
Marami sa ating mga gawaing pagsamba ay hindi maaring isasagawa ng walang pahinga o pagtigil na ipinapaliwanag tungkol sa mga panuntunan, haligi, at saligan ng pagkakawalang-bisa nito. Nararapat lamang na bumalik sa Sugo ng Allah (sas), lupang mapag-alaman ang panuntunan sa payak at malinaw na pamamaraan..........

التفاصيل

Ang mga kasamahan ng Propeta (sas), ay malimit kunin ang hatol o hukom hinggil sa kanilang pamumuhay sa Qur’an na kanilang natutunan mula sa Sugo ng Allah (sas). Sa maraming pangyayari ang mga talata sa Qur’an ay ipinapahayag ang isang bagay sa pangkalahatang kahulugan nito at hindi sa partikular na pagkakataon. Minsan ang talata ay dumarating bilang ang payak na hatol o hukom na walang kondisyon na kinakailangan ng panahon, lugar, atp. At bilang halimbawa ng pahayag ng may pangkalahatang kahulugan mula sa Qur’an ay ang Salah [Pagdadasal]. Ang Qur’an ay hindi binanggit kung ilan ang bilang ng Rak’ah [tayo, Fatiha, pagyukod, pagtirapa] sa bawat oras, o ang pamamaraan ng pagsasagawa ng Salah [pagdadasal]. Katulad din nito, ang Qur’an ay hindi binanggit ang pinakamababang halaga ng Zakat [Kawanggawa] o sa kondisyon kung kailan ito babayaran. Marami sa ating mga gawaing pagsamba ay hindi maaring isasagawa ng walang pahinga o pagtigil na ipinapaliwanag tungkol sa mga panuntunan, haligi, at saligan ng pagkakawalang-bisa nito. Nararapat lamang na bumalik sa Sugo ng Allah (sas), lupang mapag-alaman ang panuntunan sa payak at malinaw na pamamaraan. Maraming ulit, na ang mga kasamahan ay nahaharap sa mga insedente na ang Qur’an ay walang malinaw ng hukom o hatol, at kinakailangan ang Propeta (sas), upang matutunan ang hatol o hukom hinggil sa bagay na ito. Ang Propeta (sas) ang siyang inutusan ng Allah upang turuan ang sangkatauhan, at ang Propeta ang higit na nakababatid sa sangkatauhan sa mga bagay na inaasahan ng Allah mula sa atin. Ang Allah (swt) ang nagsabi sa atin tungkol sa tungkulin ng Sugo ng Allah (sas), sa Qur’an: “At Aming ipinadala sa kanila ang Mensahe, na sana’y Inyong malinaw na ipaliwanag sa tao kung ano ang Inyong ipinadala sa kanila, at sana’y inyong mapag-isipan.” [Qur'an 16:44] Ang Allah (swt) na rin ang Siyang nagsabi sa atin sa tungkulin ng Sugo (sas), ay upang linawin sa tao ang katotohanan kapag may hindi pagkakaunawaan: “At Aming ipinadala ang Aklat sa kanila upang nawa’y biglang linaw ang mga bagay na kanilang hindi pinagkakaintindihan, at nawa’y magbigay ito ng gabay at habag sa mga naniniwala.” [Qur'an 16:64] Tungkulin natin na sumunod sa anumang husga o hatol ng Sugo ng Allah (sas), sa anumang hindi pagkakaunawaan. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: "Ngunit kung hindi sa ngalan ng Panginoon, sila’y hindi ganap na naniniwala hanggat hindi nila gagawin siyang Hukom sa lahat ng kanilang hindi pinagkakaunawaan. At ang kanilang puso ay walang pagtutol laban sa kanyang mga pagpapasya, bagama’t tanggap ito ng may buong katapatan.” [Qur'an 4:65] Binanggit ng Allah (swt) ang tungkol sa Sugo (sas), na binigyan ng Qur’an at Karunungan upang magturo sa mga tao ng pamantayan ng kanilang relihiyon: “Ipinagkaloob ng Allah ang isang biyaya sa nga naniniwala nang Kanyang ipinadala ang isang Mesaya na nagmula sa kanila, na ipanapaalala sa kanila ang Tanda ng Allah, pinapadalisay sila, at tinuturuan sa Kasulatan at Karunungan, maging noon sila’y malinaw na nagkasala.” [Qur'an 3:164] Hinggil sa huling talata, karamihan sa mga Eskolar at yaong may malalim na kaalaman ang nagsabi na ang talata ay nangangahulugan ng isang pinanggagalingan ng gabay maliban sa Qur’an. Ito ay ang ipinahayag ng Allah sa Sugo (sas), mula sa karunungan sa mga bagay at ang pamantayan na hindi maaring makamit ng sangkatauhan. Si Imam Ash-Shafi’e, Kahabagan nawa siya ng Allah (swt), ang nagsabi: “Na binanggit ng Allah (swt) sa Kasulatan na ang Qur’an, at kanyang binanggit ang Karunungan at aking natutunan mula sa mga taong marunung na ang karunungang ito ay ang Sunnah ng Sugo ng Allah (sas). Ito ay mula sa habag ng Allah (swt) na Kanyang ipinadala sa atin upang gampanan at isabuhay ang nasa Qur’an.” Ang Allah (swt) ay tumigil sa pagpapahayag ng Kasulatan lamang, ngunit kasama napasama na dito ang Sunnah at Qur’an ay isang tanda ng kahalagahan nito at ang tungkulin natin upang sundin ito katulad ng pagsunod natin sa Qur’an. Sinabi pa ni Imam Ash-Shafi’e na ang katagang ‘wa’ [ang ‘at’ sa pagitan ng Kasulatan at Karungana sa talata] ay isang liham ng paghahalo sa Arabic na nangangailangan na ang dalawang bahagi na pinagka-isa ay dapat magkaiba kung hindi ang pangungusap ay inuulit at ang Allah (swt) ay malaya sa ganito; ako’y nagpapakupkop sa Allah (swt). At nang ang Allah ay nagsabi na Kanyang ipinagkaloob ang dakilang biyaya sa mga naniniwala, hindi niya ipinagkaloob ang ano mang bagay na hindi tama at makatutuhanan. Kaya’t ang karunungang ito ay nararapat nating sundin tulad ng Qur’an, at ang Allah (swt) ay hindi Kaliman man inutusan tayong sumunod sa anumang bagay na maliban sa Siya at Kanyang Sugo (sas). Ito ay nangangahulugan na ang karunungan ay ang nagmula sa Sugo ng Allah (sas), sa ayos ng pamantayan at hukom o husga hinggil sa pagpapanday ng batas. Upang linawin ang konsepto ng Sunnah at ang ating tungkulin upang sundin ito, sinabi ng Allah (swt): "Ang mga sumusunod sa Mesaya, ang hindi marunong sumulat at bumasa na Propeta, na nabanggit sa kanilang sariling Kasulatan – sa batas ng Ebanghelyo – na ipinag-uutos sa kanila ang kabutihan at ipinagbabawal sa kanila ang kasamaan;pinapayagan sa kanila ang malinis at ipinagbabawal sa kanila ang marumi. Kanyang ipinagkakaloob sa kanila ang kalayaan mula sa kanilang suliranin at mula sa kanilang kahirapan. Kayat yaong mga naniniwala sa kanya, gumagalang sa kanya, tumulong sa kanya, at sumunod sa liwanag na ipinadala sa kanila, - sila ang magtatagumpay.” [Qur'an 7:157] Sapagkat ang katuruang ito ay nabanggit ng pangkalahatan sa talatang ito, kaya’t nararapat na kabilang dito ang panuntunan sa Qur’an at Sunnah. Isang malakas na tanda mula sa atin ang tungkulin upang sumunod sa Sunnah ay matatagpuan sa talatang ito: “…At anuman ang ibibigay sa inyo ng Sugo ng Allah, Sumakanya nawa ang kapayapaan, tanggapin mo, at anuman ang kanyang ipagbabawal, iwasan ito, at matakot sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay malupit magbigay ng parusa.” [Qur'an 59:7] Ginawa ng Allah (swt) na ang katapatan sa Sugo ng Allah (sas), ay kaagapay ng katapatan sa Kanya: "At sumunod sa Allah at ang Propeta, upang kayo’y magkamit ng habag.” [Qur'an 3:132] Inutusan tayo ng Allah (swt) na sundin ang anumang utos ng Sugo ng Allah (sas): "O kayong mga naniniwala! sumunod sa Allah at ang Kanyang Sugo, kapag Kanyang tawagin kayo sa nagbibigay sa inyo ng buhay.”  [Qur'an 8:24] Ginawa ng Allah (swt) na ang pagsunod sa Kanyang Sugo (sas), ay pagsunod sa Kanya, at ang pagsunod sa Sugo ng Allah (sas) ay tanda ng pagmamahal sa Allah (swt): "Siya na sumunod sa Propeta, ay sumunod sa Allah.” [Qur'an 4:80] "Sabihin: Kung tunay mong minamahal ang Allah, sumunod sa akin: ang Allah ay mamahalin kayo at patatawarin ang inyong mga kasalanan.” [Qur'an 3:31] At binigyan tayo ng babala ng Allah (swt) sa hindi pagsunod sa gabay ng Sugo ng Allah (sas): "At paalalahanan ang mga sumuway sa utos ng Sugo ng Allah, sapagkat may pagsubok na darating sa kanila o sapitan ng matinding parusa.” [Qur'an 24:63] Hindi lang iyan, sinabi ng Allah (swt) sa atin na ang pagsuway sa Sugo ng Allah ay kawalan ng paniniwala: "Sabihin: Sumunod sa Allah at ang Kanyang Sugo; Ngunit kapag sila’y tumalikod, mahal ng Allah ang mga tumanggap sa Pananampalataya.” [Qur'an 3:32] Kailan man ay hindi pinapapayagan ng Allah (swt) na ang isang nanampalataya ay sumuway sa utos ng Sugo ng Allah (sas):         "Hindi naaangkop sa isang Naniniwala, lalaki o babai, kapag ang isang bagay ay napagpasyahan ng Allah at ng Kanyang Sugo na magkaroon ng ibang pagpipilian sa kanilang kapasyahan. Kung sinuman ang sumuway sa Allah at ng Kanyang Sugo, sadyang tunay na siya’y nasa lihis na landas.” [Qur'an 33:36] Ang pagpapakita ng hindi pagsunod sa husga o hukom ng Sugo ng Allah (sas), kapag mayroong hindi pagkakaintindihan ay tanda ng pagpapakitang tao lamang, sinabi ng Allah (swt): "Sinasabi nila: Kami’y naniniwala sa Allah at sa Mesaya at kami’y sumusunod; subalit pagkatapos nito, ang ilan sa kanila ay sumuway, hindi sila tunay na Naniniwala. Nang sila'y tawagin ng Allah at ng Kanyang Sugo upang litisin sila, pagmasdan ninyo sila ang ilan ay hindi dumating. Ang sagot ng mga Naniniwala, nang tawagin sila sa Allah at sa Kanyang Sugo upang sila’y Kanyang litisin ay walang iba kundi ito, sinabi nila: “Aming naririnig at aming susundin,” ganito ang magkakamit ng biyaya.” [Qur'an 24:47-51]   Written by Dr. Mustafa as-Siba'I [Salin sa Wikang Pilipino ng PLPHP]