اللطيف
كلمة (اللطيف) في اللغة صفة مشبهة مشتقة من اللُّطف، وهو الرفق،...
Alif. Lām. Rā’. Ang mga ito ang mga tanda ng Aklat na marunong.
Ang mga tao ba ay may pagtataka na nagsiwalat Kami sa isang lalaking kabilang sa kanila [na nagsasabi]: "Magbabala ka sa mga tao at magbalita ka ng nakalulugod sa mga sumampalataya na ukol sa kanila ay pangunguna sa karangalan sa ganang Panginoon nila"? Nagsabi naman ang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na malinaw."
Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono, na nangangasiwa sa kapakanan. Walang anumang tagapamagitan malibang matapos ng kapahintulutan Niya. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo, kaya sambahin ninyo Siya. Kaya hindi ba kayo nag-aalaala?
Tungo sa Kanya ang balikan ninyo sa kalahatan, bilang pangako ni Allāh ng totoo. Tunay na Siya ay nagpapasimula sa paglikha, pagkatapos ay uulitin Niya ito upang gumanti sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ayon sa pagkamakatarungan. Ang mga tumangging sumampalataya ay magkakaroon ng isang inumin mula sa kumukulong likido at isang pagdurusang masakit dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya.
Siya ang gumawa sa araw bilang tanglaw at sa buwan bilang liwanag at nagtakda Siya rito ng mga yugto upang malaman ninyo ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos. Hindi nilikha ni Allāh iyon kundi ayon sa katotohanan. Sinasari-sari Niya ang mga tanda para sa mga taong umaalam.
Tunay na sa pagsasalitan ng gabi at maghapon at anumang nilikha ni Allāh sa mga langit at lupa ay talagang may mga tanda para sa mga taong nangingilag magkasala.
Tunay na ang mga hindi naghahangad sa pakikipagtagpo sa Amin at nalugod sa buhay na pangmundo at napanatag dito, at sila na sa mga tanda Namin ay mga pabaya,
ang mga iyon ay ang Apoy ang kanlungan nila dahil sa nakakamit nila noon.
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay pinapatnubayan sila ng Panginoon nila dahil sa pananampalataya nila. Dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog sa mga hardin ng ginhawa.
Ang panalangin nila doon ay "Napakamaluwalhati Mo, O Allāh" at ang pagbati sa kanila roon ay "Kapayapaan." Ang panghuli sa panalangin nila ay na "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."
Kung sakaling mamadaliin ni Allāh para sa mga tao ang kasamaan gaya ng pagmamadali sa kanila ng kabutihan, talaga sanang natapos sa kanila ang taning nila. Kaya hinahayaan Namin ang mga hindi naghahangad sa pakikipatagpo sa Amin sa pagsalangsang nila habang nag-aalanganin sila.
Kapag sumaling sa tao ang kapinsalaan ay dumadalangin siya sa Amin [habang nakahiga] sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo. Ngunit noong pumawi Kami sa kanya ng kapinsalaan sa kanya ay nagpatuloy siya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin [ng pag-alis] sa kapinsalaang sumaling sa kanya. Ganyan pinaganda para sa mga tagapagmalabis ang ginagawa nila noon.
Talaga ngang nagpahamak Kami ng mga salinlahi bago pa kayo noong lumabag sila sa katarungan samantalang dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila dala ang mga patunay na malinaw ngunit hindi nangyaring sila ay ukol sumampalataya. Gayon Namin ginagantihan ang mga taong salarin.
Pagkatapos ay gumawa Kami sa inyo bilang mga kahalili sa lupa matapos nila upang tumingin Kami kung papaano kayong gagawa.
Kapag binibigkas sa kanila ang mga talata Namin bilang mga malilinaw na patunay ay nagsasabi ang mga hindi naghahangad sa pakikipagtagpo sa Amin: "Magdala ka ng isang Qur’ān na iba rito o palitan mo ito." Sabihin mo: "Hindi mangyayaring ukol sa akin na magpalit ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko. Wala akong sinusunod kundi ang isinisiwalat sa akin. Tunay na ako ay nangangamba, kung sinuway ko ang Panginoon, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan."
Sabihin mo: "Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi ko sana binigkas ito sa inyo at hindi Niya sana ipinaalam ito sa inyo sapagkat nanatili nga ako sa inyo nang tanang-buhay bago pa ito. Kaya hindi ba kayo nag-iisip?"
Kaya sino pa ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga salarin.
Sumasamba sila bukod pa kay Allāh ng hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: "Ang mga ito ay ang mga tagapamagitan namin sa kay Allāh." Sabihin mo: "Nagbabalita ba kayo kay Allāh ng hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa? Napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya kaysa sa mga itinatambal nila."
Walang iba ang mga tao noon kundi nag-iisang kalipunan, pagkaraan ay nagkaiba-iba sila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humatol Siya sa pagitan nila hinggil sa anumang hindi nila pinagkakasunduan
Nagsasabi sila: "Bakit hindi nagbaba sa kanya ng isang tanda mula sa Panginoon niya?" Kaya sabihin mo: "Ang Lingid ay ukol kay Allāh lamang kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama ninyo kabilang sa mga tagapaghintay."
Nang nagpalasap Kami sa mga tao ng isang awa pagkatapos ng isang kagipitan na sumaling sa kanila, biglang mayroon silang isang panlalansi sa mga tanda Namin. Sabihin mo: "Si Allāh ay higit na mabilis sa panlalansi." Tunay na ang mga [anghel na] sugo Namin ay nagsusulat ng anumang panlalansi ninyo.
Siya ay ang nagpalakbay sa inyo sa katihan at karagatan hanggang sa nang kayo ay nasa mga sasakyang-dagat at naglayag ang mga ito lulan sila sa isang kaaya-ayang hangin at natuwa sila rito, dumating naman sa mga ito ang isang hanging bumubugso at dumating sa kanila ang mga alon mula sa bawat pook. Nag-akala silang sila ay pinalibutan. Dumalangin sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima, [na nagsasabi]: "Talagang kung ililigtas Mo kami mula rito ay talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat."
Ngunit noong nailigtas Niya sila biglang sila ay nananampalasan sa lupa nang walang karapatan. O mga tao, ang pananampalasan ninyo ay laban sa sarili ninyo lamang, bilang pagtatamasa ng buhay na pangmundo. Pagkatapos ay tungo sa Amin ang balikan ninyo at magbabalita Kami sa inyo hinggil sa ginagawa ninyo noon.
Ang paghahalintulad sa buhay na pangmundo ay gaya lamang ng tubig na ibinaba Namin mula sa langit. Humalo dito ang mga halaman ng lupa, na mula sa mga ito kumakain ang mga tao at ang mga hayupan. Hanggang sa nang kunin ng lupa ang palamuti nito, nagayakan ito, at inakala ng mga naninirahan dito na sila ay mga nakakakaya rito ay dumating naman dito ang utos Namin sa gabi o maghapon. Ginawa Namin ito bilang isang aning para bang hindi ito lumago kahapon. Gayon Namin masusing ipinaliliwanag ang mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
Si Allāh ay nag-aanyaya sa Tahanan ng Kapayapaan at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa landasing tuwid.
Ukol sa mga nagpakahusay ang pinakamahusay at isang karagdagan. Hindi lulukubin ang mga mukha nila ng mga alikabok ni ng isang kaabahan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay sa loob nito mga mananatili.
Ang mga nagkamit ng mga masagwang gawa, ang ganti sa masagwang gawa ay katumbas sa tulad nito at lulukubin sila ng isang kaabahan. Hindi sila magkakaroon laban kay Allāh ng isang tagapagsanggalang. Para bang tinakpan ang mga mukha nila ng mga piraso mula sa gabi bilang nagpapadilim. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay sa loob nito mga mananatili.
Sa araw na titipunin sila sa kalahatan. Pagkatapos ay magsasabi Kami sa mga nagtambal: "[Manatili] sa lugar ninyo, kayo at ang mga itinambal ninyo," at mag-uuri-uri Kami sa pagitan nila. Magsasabi ang mga itinambal nila: "Hindi kayo noon sa amin sumasamba."
Kaya nakasapat si Allāh bilang isang saksi sa pagitan namin at ninyo. Tunay na kami noon sa pagsamba ninyo ay talagang mga nalilingat."
Doon ay susulitin ng bawat tao ang ipinauna niya. Ibabalik sila kay Allāh Tagatangkilik nilang totoo. Mawawala sa kanila ang anumang ginawa-gawa nila noon.
Sabihin mo: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?" Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"
Kaya gayon si Allāh, ang Panginoon ninyong Totoo. Kaya ano pa matapos ang katotohanan kundi ang kaligawan? Kaya paano kayong napalilihis?"
Gayon nagkatotoo ang salita ng Panginoon mo laban sa mga nagpakasuwail, na sila ay hindi sumasampalataya.
Sabihin mo: "Kabilang ba sa mga itinatambal ninyo ang nagpapasimula sa paglikha, pagkatapos ay nag-uulit nito?" Sabihin mo: "Si Allāh ay nagpapasimula sa paglikha, pagkatapos ay nag-uulit nito. Kaya paano kayong napauudlot?"
Sabihin mo: "Kabilang ba sa mga itinatambal ninyo ang nagpapatnubay tungo sa katotohanan?" Sabihin mo: "Si Allāh ay nagpapatnubay para sa katotohanan." Kaya ang nagpapatnubay ba tungo sa katotohanan ay higit na karapat-dapat na sundin o ang hindi nagpapatnubay malibang pinapatnubayan? Kaya ano ang mayroon kayo: papaano kayong humahatol?"
Walang sinusunod ang higit na marami sa kanila kundi isang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman. Tunay na si Allāh ay Maaalam sa anumang ginagawa nila.
Ang Qur’ān na ito ay hindi magagawa-gawa ng iba pa kay Allāh, subalit ang pagpapatotoo sa nauna rito at ang masusing pagpapaliwanag sa Kasulatan, na walang pag-aalinlangan hinggil dito mula sa Panginoon ng mga nilalang.
O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: "Kaya magdala kayo ng isang kabanatang tulad nito at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh, kung kayo ay mga tapat."
Bagkus nagpasinungaling sila sa hindi sumaklaw sa kaalaman niyon at hindi pa nakarating sa kanila ang pagpapakahulugan niyon. Gayon nagpasinungaling ang kabilang sa nauna sa kanila. Kaya tingnan mo kung papaano ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan.
Kabilang sa kanila ang sasampalataya rito at kabilang sa kanila ang hindi sumasampalataya rito. Ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa mga tagapanggulo.
Kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: "Ukol sa akin ang gawain ko at ukol sa inyo ang gawain ninyo. Kayo ay mga walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ko at ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo."
Kabilang sa kanila ang nakikinig sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapakinig sa mga bingi kahit pa man sila ay hindi nakauunawa?
Kabilang sa kanila ang tumitingin sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapatnubay sa mga bulag kahit pa man sila ay hindi nakakikita?
Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa mga tao subalit ang mga tao sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.
Sa araw na titipunin Niya sila para bang hindi sila nananatili kundi nang isang bahagi ng maghapon; nagkakakilalahan sila sa gitna nila. Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagtagpo kay Allāh at sila noon ay hindi mga napatnunubayan.
Kung magpapakita man Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapayao man Kami sa iyo ay tungo sa Amin ang balikan nila. Pagkatapos si Allāh ay saksi sa anumang ginagawa nila.
Bawat kalipunan ay may sugo, at kapag dumating ang sugo nila ay humuhusga sa pagitan nila ayon sa pagkamakatarungan habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan.
Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga nagpapakatotoo?"
Sabihin mo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsala ni isang pakinabang maliban sa niloob ni Allāh. Bawat kalipunan ay may taning. Kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapahuli ng isang oras at hindi sila makapagpapauna."
Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung dumating sa inyo ang parusa Niya sa magdamag o maghapon, ano ang minamadali mula rito ng mga salarin?
Pagkatapos kapag naganap ito ay maniniwala ba kayo rito? Ngayon, samantalang kayo nga noon dito ay nagmamadali."
Pagkatapos ay sasabihin sa mga lumabag sa katarungan: "Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pananatiling-buhay. Gagantihan ba kayo bukod pa sa nakakamit ninyo noon?"
Nagpapabalita sila sa iyo kung totoo ba ito? Sabihin mo: "Siya nga; sumpa man sa Panginoon ko, tunay na ito ay talagang totoo, at kayo ay hindi mga makalulusot."
Kung sakaling taglay ng bawat kaluluwa na lumabag sa katarungan ang anumang nasa lupa ay talagang ipantutubos niya ito. Ililihim nila ang pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Maghuhusga sa pagitan nila ayon sa pagkamakatarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan.
Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Pakaalamin, tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Siya ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, at sa Kanya kayo ibabalik.
O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang pangaral mula sa Panginoon ninyo, isang lunas para sa nasa mga dibdib, isang patnubay, at isang awa para sa mga mananampalataya.
Sabihin mo: "Sa kagandahang-loob ni Allāh at sa awa Niya, doon ay magalak sila; ito ay higit na mabuti kaysa sa iniipon nila."
Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa ibinaba ni Allāh para sa inyo na panustos, at gumawa kayo sa ilan dito bilang ipinagbabawal at ipinahihintulot?" Sabihin mo: "Si Allāh ay nagpahintulot ba sa inyo, o laban kay Allāh ay gumagawa-gawa kayo?"
Ano ang pag-aakala ng mga gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan sa Araw ng Pagbangon? Tunay na si Allāh ay talagang may kagandahang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat.
Wala ka sa isang kalagayan, wala kang binibigkas mula sa anumang bahagi ng Qur’ān, at wala kayong ginagawang anumang gawain malibang Kami sa inyo ay saksi noong isinasagawa ninyo iyon. Walang nawawaglit buhat sa Panginoon mo na anumang kasimbigat ng isang langgam sa lupa ni sa langit, ni higit na maliit kaysa roon ni higit na malaki malibang nasa isang talaang maglilinaw.
Pansinin, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
[Sila] ang mga sumampalataya at sila ay nangingilag magkasala kay Allāh.
Taglay nila ang nakagagalak na balita sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Walang pagpapalit sa mga salita ni Allāh. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
Huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila. Tunay na ang karangalan ay ukol kay Allāh sa kalahatan. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa. Hindi nakasusunod sa mga katambal ang mga dumadalangin sa iba pa kay Allāh. Wala silang nasusunod kundi akala at wala silang [nagagawa] kundi naghahaka-haka.
Siya ay ang gumawa para sa inyo ng gabi upang mamahinga kayo rito at ng maghapon bilang isang nagbibigay-paningin. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig.
Nagsabi sila: "Gumawa si Allāh ng anak." Napakamaluwalhati Niya! Siya ay ang Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Wala kayong taglay na patunay rito. Nagsasabi ba kayo laban kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?
Sabihin mo: "Tunay na ang mga gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay."
Isang pagtatamasa sa mundo pagkatapos ay tungo sa amin ang balikan nila. Pagkatapos ay ipalalasap Namin sa kanila ang pagdurusang matindi dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya.
Bigkasin mo sa kanila ang balita kay Noe noong nagsabi siya sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung bumigat sa inyo ang pananatili ko at ang pagpapaalaala ko sa mga tanda ni Allāh ay kay Allāh naman ako nanalig. Kaya pagpasyahan ninyo ang balak ninyo kasama ng mga itinatambal ninyo. Pagkatapos ang balak ninyo ay huwag sa inyo maging malabo. Pagkatapos ay humusga kayo sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin.
Ngunit kung tumalikod kayo ay hindi naman ako humingi sa inyo ng anumang pabuya. Walang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Inutusan ako na ako ay maging kabilang sa mga Muslim."
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya iniligtas Namin siya at ang sinumang kasama niya sa daong. Ginawa Namin sila bilang mga kahalili at nilunod Namin ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya tingnan mo kung naging papaano ang kinahinatnan ng mga binalaan.
Pagkatapos ay nagpadala Kami matapos niya ng mga sugo sa mga tao nila at naghatid sila sa mga ito ng mga malilinaw na patunay. Ngunit hindi nangyaring ang mga ito ay ukol sumampalataya sa pinasinungalingan ng mga ito noon pa man. Gayon Kami nagpipinid sa mga puso ng mga lumalabag.
Pagkatapos ay nagpadala Kami matapos nila kina Moises at Aaron kay Paraon at sa mga maharlika nito dala ang mga tanda Namin, ngunit nagmalaki sila at sila ay naging mga taong salarin.
Kaya nang dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: "Tunay na ito ay talagang isang panggagaway na malinaw."
Nagsabi si Moises: "Sinasabi ba ninyo sa katotohanan noong dumating ito sa inyo: Panggagaway ba ito? Ngunit hindi magtatagumpay ang mga manggagaway."
Nagsabi sila: "Dumating ka ba sa amin upang ibaling kami palayo sa natagpuan namin sa mga ninuno namin at magkaroon kayong dalawa ng kadakilaan sa lupa gayong kami sa inyong dalawa ay hindi mga naniniwala?"
Nagsabi si Paraon: "Magdala kayo sa akin ng bawat manggagaway na maalam."
Kaya noong dumating ang mga manggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises: "Ipukol ninyo ang anumang kayo ay pupukol."
Kaya noong pumukol sila ay nagsabi si Moises: "Ang dinala ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si Allāh ay magpapawalang-saysay rito. Tunay na si Allāh ay hindi nagsasaayos sa gawa ng mga tagapanggulo.
Pinatotohanan ni Allāh ang katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya kahit pa man nasuklam ang mga salarin."
Ngunit walang naniwala kay Moises kundi ilang mga supling mula sa mga tao niya dala ng pangamba kina Paraon at mga maharlika ng mga ito na mang-usig sa kanila. Tunay na si Paraon ay talagang nagmamataas sa lupain, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagapagmalabis.
Nagsabi si Moises: "O mga tao ko, kung kayo ay sumampalataya kay Allāh, sa Kanya kayo manalig kung kayo ay magiging mga Muslim."
Kaya nagsabi sila: "Kay Allāh ay nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga taong tagalabag ng katarungan,
at iligtas Mo kami sa pamamagitan ng awa Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."
Nagsiwalat Kami kay Moises at sa kapatid niya: "Magpatira kayong dalawa sa mga tao ninyong dalawa sa Ehipto sa ilang bahay. Magharap kayo ng mga bahay ninyo sa qiblah. Magpanatili kayo ng pagdarasal. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya."
Nagsabi si Moises: "Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nagbigay kina Paraon at mga maharlika niya ng gayak at mga yaman sa buhay sa Mundo, Panginoon namin, upang makapagligaw sila palayo sa landas Mo. Panginoon namin, pumawi Ka sa mga yaman nila at magpahigpit Ka sa mga puso nila para huwag silang sumampalataya hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit."
Nagsabi Siya: "Sinagot na ang panalangin ninyong dalawa kaya mamalagi kayong dalawa sa matuwid at huwag nga kayong dalawa sumunod sa landas ng mga hindi nakaaalam."
Nagpalampas Kami sa mga anak ni Israel sa dagat. Kaya pinasundan sila nina Paraon at ng hukbo niya dala ng paniniil at pangangaway, hanggang sa, nang inabutan siya ng pagkalunod, ay nagsabi siya: "Sumampalataya ako na walang Diyos kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel, at ako ay kabilang na sa mga Muslim."
Ngayon ba samantalang sumuway ka na noon pa man, at ikaw noon ay kabilang sa mga tagapanggulo?
Kaya sa araw na ito, ililigtas ka Namin sa katawan mo upang ikaw para sa sinumang papalit sa iyo ay maging isang tanda. Tunay na marami sa mga tao sa mga tanda Namin ay talagang mga nalilingat.
Talaga ngang nagpatira Kami sa mga anak ni Israel sa isang pinatitirahang angkop. Nagtustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay kaya hindi sila nagkasalungatan hanggang sa dumating sa kanila ang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay maghahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa pinagkakasalungatan nila noon.
Kaya kung ikaw ay nasa isang pagdududa sa ibinaba Namin sa iyo ay tanungin mo ang mga bumabasa ng kasulatan bago mo. Talaga ngang dumating sa iyo ang totoo mula sa Panginoon mo kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagdadalawang-isip.
Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh sapagkat magiging kabilang ka sa mga nalulugi.
Tunay na ang mga nagkatotoo sa kanila ang salita ng Panginoon ay hindi sasampalataya,
kahit pa man dumating sa kanila ang bawat tanda, hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit.
Kaya bakit walang pamayanang sumampalataya at nagpakinabang dito ang pananampalataya nito maliban sa mga tao ni Jonas. Noong sumampalataya sila, inalis Namin sa kanila ang pagdurusa ng kadustaan sa buhay sa Mundo at pinagtamasa Namin sila hanggang sa isang panahon.
Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay talaga sanang sumampalataya ang sinumang nasa lupa sa kalahatan nila nang sama-sama. Ikaw ba ay mamimilit sa mga tao hanggang sila ay maging mga mananampalataya?
Hindi nangyaring ukol sa isang kaluluwa na manampalataya ito malibang ayon sa kapahintulutan ni Allāh. Inilalagay Niya ang karumihan sa mga hindi nakauunawa.
Sabihin mo: "Pagmasdan ninyo kung ano ang nasa mga langit at lupa, ngunit walang naidudulot ang mga tanda at ang mga tagapagbabala sa mga taong hindi sumasampalataya."
Wala silang hinihintay kundi ang tulad ng mga araw mga yumao bago pa nila. Sabihin mo: "Kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama ninyo kabilang sa mga tagapaghintay."
Pagkatapos ay ililigtas Namin ang mga sugo Namin at ang mga sumampalataya. Gayon nga bilang isang karapatan sa Amin na iligtas Namin ang mga mananampalataya.
Sabihin mo: "O mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa sa relihiyon ko, hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, subalit sumasamba ako kay Allāh na bumabawi sa inyo. Inutusan ako na ako ay maging una sa mga mananampalataya."
[Inuutos:] "At Panatiliin mo ang mukha mo sa relihiyon bilang isang makatotoo. Huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal.
Huwag kang dumalangin sa iba pa kay Allāh na hindi nakapagpapakinabang sa iyo ni nakapipinsala sa iyo sapagkat kung ginawa mo, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
Kung sasaling sa iyo si Allāh ng isang kapinsalaan ay walang makapagpapawi nito kundi Siya; at kung magnanais Siya sa iyo ng isang kabutihan ay walang makapagtutulak sa kabutihang-loob Niya. Nagpapadapo Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.
Sabihin mo: "O mga tao, dumating nga sa inyo ang totoo mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa sarili niya; at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Ako sa inyo ay hindi isang pinananaligan."
Sumunod ka sa isinisiwalat sa iyo at magtiis ka hanggang sa humatol si Allāh. Siya ay ang pinakamabuti sa mga tagahatol.