البحث

عبارات مقترحة:

المؤخر

كلمة (المؤخِّر) في اللغة اسم فاعل من التأخير، وهو نقيض التقديم،...

الشافي

كلمة (الشافي) في اللغة اسم فاعل من الشفاء، وهو البرء من السقم،...

الواحد

كلمة (الواحد) في اللغة لها معنيان، أحدهما: أول العدد، والثاني:...

سورة المائدة - الآية 18 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَقَالَتِ الْيَهُودُ وَالنَّصَارَىٰ نَحْنُ أَبْنَاءُ اللَّهِ وَأَحِبَّاؤُهُ ۚ قُلْ فَلِمَ يُعَذِّبُكُمْ بِذُنُوبِكُمْ ۖ بَلْ أَنْتُمْ بَشَرٌ مِمَّنْ خَلَقَ ۚ يَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ﴾

التفسير

Nag-aangkin ang kapwa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay mga anak ni Allāh at mga iniibig Niya. Sabihin mo, o Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Bakit pagdurusahin kayo ni Allāh sa mga pagkakasala na nagawa ninyo? Kung sakaling kayo ay mga iniibig Niya gaya ng inakala ninyo, talaga sanang hindi Niya kayo pinagdusa sa pamamagitan ng pagkapatay at pagbabagong-anyo sa Mundo at sa pamamagitan ng Apoy sa Kabilang-buhay dahil Siya ay hindi nagpaparusa sa sinumang inibig Niya. Bagkus kayo ay mga tao gaya ng ibang mga tao. Ang sinumang gumawa ng maganda kabilang sa inyo ay gagantihan Niya ng Paraiso. Ang sinumang gumawa ng masagwa ay parurusahan Niya ng Apoy. Si Allāh ay nagpapatawad sa sinumang loloobin Niya dahil sa kabutihang-loob Niya at nagpaparusa sa sinumang loloobin Niya dahil sa katarungan Niya. Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - ang panunumbalikan.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم