البحث

عبارات مقترحة:

العالم

كلمة (عالم) في اللغة اسم فاعل من الفعل (عَلِمَ يَعلَمُ) والعلم...

الباطن

هو اسمٌ من أسماء الله الحسنى، يدل على صفة (الباطنيَّةِ)؛ أي إنه...

الأكرم

اسمُ (الأكرم) على وزن (أفعل)، مِن الكَرَم، وهو اسمٌ من أسماء الله...

سورة المائدة - الآية 95 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَقْتُلُوا الصَّيْدَ وَأَنْتُمْ حُرُمٌ ۚ وَمَنْ قَتَلَهُ مِنْكُمْ مُتَعَمِّدًا فَجَزَاءٌ مِثْلُ مَا قَتَلَ مِنَ النَّعَمِ يَحْكُمُ بِهِ ذَوَا عَدْلٍ مِنْكُمْ هَدْيًا بَالِغَ الْكَعْبَةِ أَوْ كَفَّارَةٌ طَعَامُ مَسَاكِينَ أَوْ عَدْلُ ذَٰلِكَ صِيَامًا لِيَذُوقَ وَبَالَ أَمْرِهِ ۗ عَفَا اللَّهُ عَمَّا سَلَفَ ۚ وَمَنْ عَادَ فَيَنْتَقِمُ اللَّهُ مِنْهُ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ ذُو انْتِقَامٍ﴾

التفسير

O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop na ligaw habang kayo ay mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, kailangan sa kanya ay ganting nakatutulad ng pinatay niya na pinangangasong hayop gaya ng kamelyo o baka o tupa, na ihahatol ito ng dalawang lalaking nagtataglay ng katangian ng pagiging makatarungan sa mga Muslim. Ang anumang inihatol nilang dalawa ay gagawin ang ginagawa sa handog gaya ng pagpapadala sa Makkah at pagkakatay nito sa Ḥaram o sa halaga niyon na pagkaing ibinibigay sa mga maralita ng Ḥaram: para sa bawat maralita ay kalahating Sā', o sa pag-aayuno ng isang araw katumbas ng bawat kalahating ṣā' ng pagkain. Ang lahat ng iyon ay upang malasap ng pumatay ng pinangangasong hayop ang kinahihinatnan ng paglalakas-loob niya sa pagpatay niyon. Nagpalampas si Allāh sa anumang nakalipas na pagpatay sa pinangangasong hayop ng Ḥaram at pagpatay ng taong nasa iḥrām ng pinangangasong hayop ng ilang, bago ang pagbabawal nito. Ang sinumang umulit nito matapos ang pagbabawal ay maghihiganti si Allāh sa kanya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kanya dahil doon. Si Allāh ay malakas, matatag. Bahagi ng lakas Niya na Siya ay naghihiganti sa sinumang sumuway sa Kanya kung niloob Niya. Hindi Siya napipigil doon ng isang tagapigil.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم