البحث

عبارات مقترحة:

السبوح

كلمة (سُبُّوح) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فُعُّول) من التسبيح،...

المجيد

كلمة (المجيد) في اللغة صيغة مبالغة من المجد، ومعناه لغةً: كرم...

الغفور

كلمة (غفور) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعول) نحو: شَكور، رؤوف،...

سورة الأعراف - الآية 188 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنْتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ ۚ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ﴾

التفسير

Sabihin mo, O Muḥammad: "Hindi ko nakakayang magdulot ng kabutihan para sa sarili ko ni magpawi ng kasamaan malibang niloob ni Allāh. Iyon ay kay Allāh lamang. Wala akong nalalaman maliban sa itinuro sa akin ni Allāh kaya hindi ko nalalaman ang Lingid. Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talaga sanang gumawa ako ng mga kadahilanang nalalaman ko na ang mga ito ay magdudulot sa akin ng mga kapakanan at magtutulak palayo sa akin ng mga kasiraan dahil sa pagkakaalam ko sa mga bagay-bagay bago ng pangyayari ng mga ito at sa pagkakaalam ko sa anumang kahahantungan ng mga ito. Ako ay walang iba kundi isang Sugo mula sa ganang kay Allāh. Nagpapangamba ako ng parusa Niyang masakit. Nagbabalita ako ng nakalulugod na gantimpala Niyang marangal sa mga taong sumasampalatayang ako ay isang Sugo mula sa Kanya at naniniwala sa anumang inihatid ko."

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم