الحفيظ
الحفظُ في اللغة هو مراعاةُ الشيء، والاعتناءُ به، و(الحفيظ) اسمٌ...
Nagmamadali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng kaparusahan at nagmamabagal sila ng pagbaba nito sa kanila bago ng pagkabuo ng mga biyayang itinakda ni Allāh para sa kanila. Nagdaan na mula nang wala pa sila ang mga parusa sa mga tulad nila kabilang sa mga kalipunang tagapagpasinungaling, kaya hindi ba sila nagsasaalang-alang sa mga ito? Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang may pagpapalampas sa sala ng mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan sapagkat hindi Niya minamadali ang parusa sa kanila upang magbalik-loob sila kay Allāh. Tunay na Siya ay talagang malakas ang parusa sa mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila kung hindi sila nagbalik-loob.