الرقيب
كلمة (الرقيب) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل) أي:...
Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay higit na nakaaalam sa tagal ng ipinanatili nila sa yungib nila. Ipinabatid nga Niya ang yugto ng pananatili nila roon kaya walang masasabing ukol sa isa man matapos ng pagsabi Niya -napakamaluwalhati Niya. Taglay Niya lamang -napakamaluwalhati Niya - ang anumang nakalingid sa mga langit at ang anumang nakalingid sa lupa sa paglikha at kaalaman. Kay husay ng pagkakita Niya -napakamaluwalhati Niya - sapagkat Siya ay nakakikita sa bawat bagay. Kay husay ng pagkarinig Niya sapagkat Siya ay nakaririnig sa bawat bagay. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik na tatangkilik sa kapakanan nila. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya sa isa man sapagkat Siya ang namumukod-tangi sa paghahatol."