البحث

عبارات مقترحة:

الحافظ

الحفظُ في اللغة هو مراعاةُ الشيء، والاعتناءُ به، و(الحافظ) اسمٌ...

المعطي

كلمة (المعطي) في اللغة اسم فاعل من الإعطاء، الذي ينوّل غيره...

العليم

كلمة (عليم) في اللغة صيغة مبالغة من الفعل (عَلِمَ يَعلَمُ) والعلم...

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

143- ﴿ثَمَانِيَةَ أَزْوَاجٍ ۖ مِنَ الضَّأْنِ اثْنَيْنِ وَمِنَ الْمَعْزِ اثْنَيْنِ ۗ قُلْ آلذَّكَرَيْنِ حَرَّمَ أَمِ الْأُنْثَيَيْنِ أَمَّا اشْتَمَلَتْ عَلَيْهِ أَرْحَامُ الْأُنْثَيَيْنِ ۖ نَبِّئُونِي بِعِلْمٍ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾


Lumikha Siya para sa inyo ng walong kategorya. Mula sa mga tupa ay magkapares: isang lalaki at isang babae; at mula sa mga kambing ay dalawa.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Nagbawal ba si Allāh - pagkataas-taas Niya - sa dalawang lalaki mula sa dalawang pares dahil sa kadahilanan ng pagkalalaki? Kung nagsabi sila ng oo; ay sabihin mo sa kanila: Bakit kayo nagbabawal sa mga babae? O na Siya ba ay nagbawal sa dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkababae? Kung nagsabi sila ng oo; ay sabihin mo sa kanila: Bakit kayo nagbabawal sa dalawang lalaki? O na Siya ba ay nagbawal sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkakalaman dito ng sinapupunan? Kung nagsabi sila ng oo; ay sabihin mo sa kanila: Bakit kayo nag-iiba-iba sa nilaman ng mga sinapupunan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga lalaki nito minsan at ng pagbabawal sa mga babae nito minsan? Magpabatid kayo sa akin, O mga tagapagtambal, ng pinagbabatayan ninyo ng kaalamang tumpak kung kayo ay mga tapat sa pahayag ninyo na ang pagbabawal niyon ay mula kay Allāh.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: