البحث

عبارات مقترحة:

القوي

كلمة (قوي) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) من القرب، وهو خلاف...

الباسط

كلمة (الباسط) في اللغة اسم فاعل من البسط، وهو النشر والمدّ، وهو...

الرقيب

كلمة (الرقيب) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل) أي:...

سورة الأحزاب - الآية 19 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿أَشِحَّةً عَلَيْكُمْ ۖ فَإِذَا جَاءَ الْخَوْفُ رَأَيْتَهُمْ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ تَدُورُ أَعْيُنُهُمْ كَالَّذِي يُغْشَىٰ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِ ۖ فَإِذَا ذَهَبَ الْخَوْفُ سَلَقُوكُمْ بِأَلْسِنَةٍ حِدَادٍ أَشِحَّةً عَلَى الْخَيْرِ ۚ أُولَٰئِكَ لَمْ يُؤْمِنُوا فَأَحْبَطَ اللَّهُ أَعْمَالَهُمْ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا﴾

التفسير

Mga maramot sa inyo, O kapulungan ng mga mananampalataya, ng mga yaman nila kaya hindi sila tumutulong sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga ito, mga maramot ng mga sarili nila kaya hindi sila nakikipaglaban kasama sa inyo, at mga maramot ng pagmamahal nila kaya hindi sila nagmamahal sa inyo. Kaya kapag dumating ang pangamba sa sandali ng pakikipagharap sa kaaway, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, O Sugo, na umiikot ang mga mata nila dahil sa karuwagan gaya ng pag-ikot ng mga mata ng nagdurusa sa mga hapdi ng paghihingalo; ngunit kapag umalis sa kanila ang pangamba at napanatag sila ay nananakit sila sa inyo sa pamamagitan ng pananalita sa pamamagitan ng mga dilang masama. Mga sakim sa mga samsam sa digmaan, naghahanap sila ng mga ito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay hindi sumampalataya nang totohanan kaya nagpawalang-saysay si Allāh sa mga gantimpala ng mga gawa nila. Laging ang pagwawalang-saysay na iyon ay madali kay Allāh.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم