المولى
كلمة (المولى) في اللغة اسم مكان على وزن (مَفْعَل) أي محل الولاية...
Kung sakaling nangyaring bahagi ng mga katangian ng isang aklat kabilang sa mga aklat na makadiyos ay maalis sa pamamagitan nito ang mga bundok buhat sa mga lugar ng mga ito o magkabitak-bitak ang lupa para maging mga ilog at mga bukal o mabigkas ito sa mga patay at sila ay maging mga buhay, talagang iyon ay itong Qur’ān na ibinaba sa iyo, O Sugo. Ito ay maliwanag ang patotoo at dakila ang epekto kung sakaling sila ay naging mga mapangilag sa pagkakasala ang mga puso subalit sila ay mga nagkakaila. Bagkus sa kay Allāh ang pasya sa kalahatan nito sa pagpapababa sa mga himala at iba pa sa mga ito. Hindi ba nalaman ng mga mananampalataya kay Allāh na kung sakaling niloloob ni Allāh ang kapatnubayan sa mga tao sa kalahatan nang walang pagpapababa ng mga tanda ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa kanila sa kalahatan nang wala nito? Subalit Siya ay hindi lumuob niyon. Hindi natitigil ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na tinatamaan ng anumang ginawa nilang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway bilang isang kasawiang matindi na dumadagok sa kanila o bumababa ang kasawiang iyon malapit sa tahanan nila hanggang sa dumating ang pangako ni Allāh sa pagbaba ng pagdurusang nagpapatuloy. Tunay na si Allāh ay hindi nag-iiwan sa pagsasakatuparan sa naipangako Niya kapag dumating ang oras nitong itinakda para rito.