الحسيب
(الحَسِيب) اسمٌ من أسماء الله الحسنى، يدل على أن اللهَ يكفي...
Ipinagpalagay ba ng mga tao na iiwan silang magsabi: "Sumampalataya kami," at hindi sila susubukin?
Talaga ngang sumubok Kami sa mga nauna sa kanila kaya talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga nagpakatapat at talagang nakaaalam nga Siya sa mga sinungaling.
O ipinagpalagay ba ng mga gumagawa ng mga masagwang gawa na makauuna sila sa Amin? Sumagwa ang inihahatol nila.
Ang sinumang umaasa sa pakikipagkita kay Allāh, tunay na ang taning ni Allāh ay talagang darating. Siya ang Madinigin, ang Maalam.
Ang sinumang nakibaka ay nakibaka lamang para sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan sa mga nilalang.
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magtatakip-sala nga Kami sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng higit na maganda sa dati nilang ginagawa.
At nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang ng kagandahan. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Tungo sa Akin ang balikan ninyo at magpapabatid Ako sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa.
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapapasok nga Kami sa kanila sa gitna ng mga maayos.
Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh," ngunit kapag sinaktan dahil kay Allāh ay nagtuturing sa pagsubok sa mga tao na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh. Talagang kung may dumating na isang pag-aadya mula sa Panginoon mo ay talagang magsasabi nga sila: "Tunay na kami ay kasama sa inyo." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga nilalang?
Talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga sumampalataya at talagang nakaaalam nga Siya sa mga mapagpaimbabaw.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Sundin ninyo ang landasin namin, papasanin namin ang mga kamalian ninyo." Hindi sila mga magpapasan mula sa mga kamalian ng mga iyon ng anuman. Tunay na sila ay talagang sinungaling.
Talagang magpapasan nga sila ng mga pabigat nila at mga pabigat [ng iba] kasama sa mga pabigat nila. Talagang tatanungin nga sila sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati nilang ginagawa-gawa.
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya. Nanatili siya sa kanila ng isang libong taon kinulang ng limampung taon, at dinaklot sila ng gunaw habang sila ay tagalabag sa katarungan.
Ngunit iniligtas Namin siya at ang mga sakay ng daong. Ginawa Namin ito bilang isang tanda para sa mga nilalang.
[Bumanggit ka] kay Abraham noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Sumamba kayo kay Allāh at mangilag kayong magkasala sa Kanya; iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung nangyaring kayo ay nakaaalam.
Sumasamba lamang kayo bukod pa kay Allāh sa mga anito at lumilikha kayo ng isang kabulaanan. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng panustos. Kaya maghangad kayo sa ganang kay Allāh ng panustos, sumamba kayo sa Kanya, at magpasalamat kayo sa Kanya. Tungo sa Kanya kayo panunumbalikin."
Kung magpapasinungaling kayo, may nagpasinungaling na na mga kalipunan noong wala pa kayo. Walang tungkulin ang Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw.
Hindi ba nila napag-alaman kung papaanong nagpasimula si Allāh sa paglikha, pagkatapos ay inuulit Niya ito? Tunay na iyon, kay Allāh, ay madali.
Sabihin mo: "Humayo kayo sa lupain at tumingin kayo kung papaano Siyang nagsimula sa paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magpapaluwal sa pagpapaluwal na kahuli-hulihan. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan."
Nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya at naaawa Siya sa sinumang niloloob Niya. Tungo sa Kanya kayo ibabalik.
Hindi kayo mga makalulusot sa lupa ni sa langit, at hindi magkakaroon sa inyo bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.
Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pakikipagkita sa Kanya, ang mga iyon ay nawalan na ng pag-asa sa awa Ko at ang mga iyon ay magkakaroon ng isang pagdurusang masakit.
Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Patayin ninyo siya o sunugin ninyo siya," ngunit iniligtas siya ni Allāh mula sa apoy. Tunay na sa gayon ay may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.
Nagsabi siya: "Gumawa lamang kayo bukod pa kay Allāh ng mga anito bilang pagmamahal sa pagitan ninyo sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay tatangi ang ilan sa inyo sa iba pa at susumpa ang ilan sa inyo sa iba pa. Ang kanlungan ninyo ay Apoy at walang ukol sa inyo na anumang mga tagaadya."
Naniwala sa kanya si Lot. Nagsabi siya: "Tunay na ako ay lilikas patungo sa Panginoon ko. Tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong."
Ipinagkaloob Namin sa kanya sina Isaac at Jacob at inilagay Namin sa mga supling niya ang pagkapropeta at ang kasulatan. Nagbigay Kami sa kanya ng pabuya niya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos.
[Bumanggit ka] kay Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Tunay na kayo ay talagang gumagawa ng mahalay na walang nakauna sa inyo roon na isa man kabilang sa mga nilalang.
Tunay na kayo ba ay talagang pumupunta sa mga lalaki, nandarambong sa landas, at pumupunta sa pagtitipon ninyo sa nakasasama?" Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Maghatid ka sa amin ng pagdurusang dulot ni Allāh, kung nangyaring ikaw ay kabilang sa mga tapat."
Nagsabi siya: "Panginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo."
Noong nagdala ang mga sugo Namin kay Abraham ng nakagagalak na balita ay nagsabi sila: "Tunay na kami ay magpapasawi sa mga naninirahan sa pamayanang iyan [ni Lot]. Tunay na ang mga naninirahang iyan ay mga tagalabag sa katarungan."
Nagsabi siya: "Tunay na nariyan si Lot." Nagsabi sila: "Kami ay higit na nakaaalam sa sinumang nariyan. Talagang magliligtas nga Kami sa kanya at mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay kabilang sa mga nagpaiwan."
Noong dumating ang mga sugo Namin kay Lot ay nahapis siya sa kanila at naubusan siya sa kanila ng katatagan. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na kami ay mga tagapagligtas sa iyo at sa mag-anak mo maliban sa maybahay mo; ito ay kabilang sa mga magpapaiwan.
Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan ng isang pasakit mula sa langit dahil dati na silang nagpapakasuwail.
Talaga ngang nag-iwan Kami mula riyan ng isang tandang malinaw para sa mga taong nakapag-uunawa.
[Nagsugo Kami sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb, at nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh, umasa kayo sa Huling Araw, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo."
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang lindol; at sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
[Nagpasawi Kami] sa `Ād at Thamūd, at luminaw ito para sa inyo mula sa mga tirahan nila. Pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila kaya bumalakid siya sa kanila sa landas habang sila noon ay mga nakatatalos.
[Nagpasawi Kami] kina Qārūn, Paraon, at Hāmān. Talaga ngang nagdala sa kanila si Moises ng mga patunay na malinaw ngunit nagpakamalaki sila sa lupain at hindi nangyaring sila ay mga nakapangunguna.
Kaya sa bawat isa ay dumaklot Kami dahil sa pagkakasala nito sapagkat may kabilang sa kanila na pinadalhan Namin ng isang unos ng mga bato, may kabilang sa kanila na dinaklot ng hiyaw, may kabilang sa kanila na ipinalamon Namin sa lupa, at may kabilang sa kanila na pinalunod Namin. Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na lalabag sa katarungan sa kanila, subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.
Ang paghahalintulad sa mga gumawa, bukod pa kay Allāh, ng mga tagatangkilik ay katulad ng gagamba, na gumawa ng isang bahay. Tunay na ang pinakamahina sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba, kung sakaling nangyaring sila ay nakaaalam.
Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya na anuman. Siya ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Ang mga paghahalintulad na iyon ay ginagawa Namin para sa mga tao. Walang nakauunawa sa mga ito kundi ang mga nakaaalam.
Lumikha si Allāh sa mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya.
Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at magpanatili ka sa pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo.
Huwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamagaling, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila. Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami sa ibinaba sa amin at ibinaba sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."
Gayon Kami nagbaba sa iyo ng Aklat kaya ang mga binigyan Namin ng kasulatan ay sumasampalataya rito. Kabilang sa mga ito ang sumasampalataya rito. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang mga tagatangging sumampalataya.
Hindi ka dati bumibigkas noong bago nito ng anumang aklat at hindi ka nagsusulat nito sa pamamagitan ng kanan mo [dahil] kung gayon ay talagang mag-aalinlangan ang mga nagpapabula.
Bagkus [ang Qur’an na] ito ay mga talatang malilinaw na nasa mga dibdib ng mga may kaalaman. Walang nagkakaila sa mga talata Namin kundi ang mga tagalabag sa katarungan.
Nagsabi sila: "Bakit kaya hindi nagpababa sa kanya ng mga tanda mula sa Panginoon niya?" Sabihin mo: "Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang tagapagbabalang malinaw lamang."
Hindi ba nakasapat sa kanila na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat na binibigkas sa kanila? Tunay na sa gayon ay talagang may awa at paalaala para sa mga taong sumasampalataya.
Sabihin mo: "Nakasapat si Allāh sa pagitan ko at ninyo bilang isang Saksi. Nakaaalam siya sa anumang nasa mga langit at lupa. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan at tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi."
Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Kung hindi dahil sa isang taning na itinakda, talaga sanang dumating sa kanila ang pagdurusa. Talagang pupunta nga iyon sa kanila ng biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.
Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Tunay na ang Impiyerno ay talagang sasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya
sa Araw na tatakip sa kanila ang pagdurusa mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila at magsasabi: "Lasapin ninyo ang dati ninyong ginagawa."
O mga alipin Ko na sumampalataya, tunay na ang lupa Ko ay malawak kaya sa Akin kayo sumamba.
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Pagkatapos ay sa Amin kayo panunumbalikin.
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapatahan nga Kami mula sa paraiso sa mga [mataas na] silid na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili roon. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa,
[Sila] ang mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig.
Kay raming hayop na hindi nagbubuhat ng panustos ng mga ito, na si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at sa inyo. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpalingkod ng araw at buwan ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila?
Si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit nito. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig at nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa noong matapos ng pagkamatay nito ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh," ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.
Walang iba itong buhay pangmundo kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanang pangkabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay, kung sakaling dati silang nakaaalam.
Ngunit kapag nakasakay sila sa daong ay dumadalangin sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]
upang magkaila sila sa ibinigay Namin sa kanila at upang magtamasa sila, ngunit malalaman nila.
Hindi ba nila nakita na Kami ay gumawa ng isang kanlungang matiwasay samantalang dinadaklot ang mga tao mula sa paligid nila. Kaya ba sa kabulaanan sila sumasampalataya at sa biyaya ni Allāh sila nagkakaila?
Sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa katotohanan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?
Ang mga nakibaka alang-alang sa Amin ay talagang magpapatnubay nga Kami sa kanila sa mga landas Namin. Tunay na si Allāh ay talagang kasama sa mga tagagawa ng maganda.