العزيز
كلمة (عزيز) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) وهو من العزّة،...
At hindi Kami naglagay ng mga tanod ng Apoy maliban pa sa mga anghel sapagkat walang kakayahan para sa mga tao sa kanila. Nagsinungaling nga si Abū Jahl nang nag-angkin siya na siya at ang mga tao niya ay makakakaya sa pagdaluhong sa mga anghel, pagkatapos ay makalalabas sila sa Apoy.
Hindi gumawa sa bilang nilang ito malibang bilang pagsusulit para sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh upang magsabi sila ng sasabihin nila para pag-ibayuhin para sa kanila ang pagdurusa, upang makatiyak ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kapag bumaba ang Qur'ān bilang tagapatotoo sa nasa mga Kasulatan nila, upang madagdagan ang mga mananampalataya ng pananampalataya kapag sumang-ayon sa kanila ang mga May Kasulatan, at hindi mag-alinlangan ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga nag-aatubili sa pananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya: "Aling bagay ang ninais ni Allāh sa kataka-takang bilang na ito tulad ng pagpapaligaw sa tagakaila sa bilang na ito at kapatnubayan sa tagapatotoo nito?" Nagpapaligaw si Allāh sa sinumang niloob Niya na paligawin at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloob Niya na patnubayan. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo sa dami nila kundi Siya - kaluwalhatian sa Kanya - kaya umalam niyon si Abū Jahl na nagsasabi: "Si Muḥammad ba ay walang mga katulong maliban sa labingsiyam?" bilang pang-uuyam at bilang pagpapasinungaling. Walang iba ang Apoy kundi isang pagpapaalaala para sa mga tao, na malalaman nila dahil doon ang kadakilaan ni Allāh.