البحث

عبارات مقترحة:

الخبير

كلمةُ (الخبير) في اللغةِ صفة مشبَّهة، مشتقة من الفعل (خبَرَ)،...

الحليم

كلمةُ (الحليم) في اللغة صفةٌ مشبَّهة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل)؛...

السميع

كلمة السميع في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل) أي:...

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

1- ﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمْ ۚ إِنَّ زَلْزَلَةَ السَّاعَةِ شَيْءٌ عَظِيمٌ﴾


O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo! Tunay na ang pagyanig ng Huling Sandali ay isang bagay na sukdulan.

2- ﴿يَوْمَ تَرَوْنَهَا تَذْهَلُ كُلُّ مُرْضِعَةٍ عَمَّا أَرْضَعَتْ وَتَضَعُ كُلُّ ذَاتِ حَمْلٍ حَمْلَهَا وَتَرَى النَّاسَ سُكَارَىٰ وَمَا هُمْ بِسُكَارَىٰ وَلَٰكِنَّ عَذَابَ اللَّهِ شَدِيدٌ﴾


Sa Araw na makikita ninyo ito, malilingat ang bawat tagapagpasuso sa pinasuso nito, mailalaglag ng bawat may dinadala [sa sinapupunan] ang dinadala nito, at makikita mo ang mga tao na mga lasing gayong hindi naman sila lasing subalit ang pagdurusa mula kay Allāh ay matindi.

3- ﴿وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّبِعُ كُلَّ شَيْطَانٍ مَرِيدٍ﴾


May mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman at sumusunod sa bawat demonyong mapaghimagsik.

4- ﴿كُتِبَ عَلَيْهِ أَنَّهُ مَنْ تَوَلَّاهُ فَأَنَّهُ يُضِلُّهُ وَيَهْدِيهِ إِلَىٰ عَذَابِ السَّعِيرِ﴾


Itinakda na ang sinumang tumangkilik sa kanya, tunay na siya ay magliligaw rito at magpapatnubay rito sa pagdurusa sa Liyab.

5- ﴿يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي رَيْبٍ مِنَ الْبَعْثِ فَإِنَّا خَلَقْنَاكُمْ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ مِنْ مُضْغَةٍ مُخَلَّقَةٍ وَغَيْرِ مُخَلَّقَةٍ لِنُبَيِّنَ لَكُمْ ۚ وَنُقِرُّ فِي الْأَرْحَامِ مَا نَشَاءُ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ثُمَّ نُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوا أَشُدَّكُمْ ۖ وَمِنْكُمْ مَنْ يُتَوَفَّىٰ وَمِنْكُمْ مَنْ يُرَدُّ إِلَىٰ أَرْذَلِ الْعُمُرِ لِكَيْلَا يَعْلَمَ مِنْ بَعْدِ عِلْمٍ شَيْئًا ۚ وَتَرَى الْأَرْضَ هَامِدَةً فَإِذَا أَنْزَلْنَا عَلَيْهَا الْمَاءَ اهْتَزَّتْ وَرَبَتْ وَأَنْبَتَتْ مِنْ كُلِّ زَوْجٍ بَهِيجٍ﴾


O mga tao kung nangyaring kayo ay nasa pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos ay mula sa isang patak, pagkatapos ay mula sa isang malalinta na namuong dugo, pagkatapos ay mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan upang maglinaw Kami sa inyo. Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na itinakda, pagkatapos ay nagpapalabas Kami sa inyo na isang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa pinakamalakas [na gulang] ninyo. Mayroon sa inyo na pinapapanaw at mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, mula ng matapos ng pagkakaalam, ng anuman. Nakakikita ka na ang lupa ay patay, ngunit kapag nagbaba Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito, lumago ito, at nagpapatubo ito ng bawat uring nakatutuwa.

6- ﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّهُ يُحْيِي الْمَوْتَىٰ وَأَنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾


Iyon ay dahil si Allāh ay ang Totoo, dahil Siya ay nagbibigay-buhay sa mga patay, dahil Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan,

7- ﴿وَأَنَّ السَّاعَةَ آتِيَةٌ لَا رَيْبَ فِيهَا وَأَنَّ اللَّهَ يَبْعَثُ مَنْ فِي الْقُبُورِ﴾


na ang Huling Sandali ay darating, walang pag-aalinlangan dito, at na si Allāh ay bubuhay sa mga nasa mga libingan.

8- ﴿وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَابٍ مُنِيرٍ﴾


May mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman ni patnubay ni isang aklat na nagbibigay-liwanag.

9- ﴿ثَانِيَ عِطْفِهِ لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۖ لَهُ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ ۖ وَنُذِيقُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَذَابَ الْحَرِيقِ﴾


Bumabaluktot ng leeg niya [sa kapalaluan] upang magpaligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanya sa Mundo ay kadustaan. Magpapalasap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusa sa pagsunog.

10- ﴿ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ يَدَاكَ وَأَنَّ اللَّهَ لَيْسَ بِظَلَّامٍ لِلْعَبِيدِ﴾


Iyon ay dahil sa ipinaunang gawa ng mga kamay mo at na si Allāh ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.

11- ﴿وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَعْبُدُ اللَّهَ عَلَىٰ حَرْفٍ ۖ فَإِنْ أَصَابَهُ خَيْرٌ اطْمَأَنَّ بِهِ ۖ وَإِنْ أَصَابَتْهُ فِتْنَةٌ انْقَلَبَ عَلَىٰ وَجْهِهِ خَسِرَ الدُّنْيَا وَالْآخِرَةَ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْخُسْرَانُ الْمُبِينُ﴾


Mayroon sa mga tao na sumasamba kay Allāh ayon sa pag-aatubili. Kaya kapag may dumapo sa kanya na isang mabuti, napapanatag siya rito; at kapag may dumapo sa kanya na isang pagsubok, nanunumbalik siya sa [dating] mukha niya. Nagpalugi siya [sa buhay] sa Mundo at Kabilang-buhay. Iyon ay ang pagkaluging malinaw.

12- ﴿يَدْعُو مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُ وَمَا لَا يَنْفَعُهُ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الضَّلَالُ الْبَعِيدُ﴾


Dumadalangin siya, sa halip kay Allāh, sa hindi nakapipinsala sa kanya at hindi nagpapakinabang sa kanya. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo.

13- ﴿يَدْعُو لَمَنْ ضَرُّهُ أَقْرَبُ مِنْ نَفْعِهِ ۚ لَبِئْسَ الْمَوْلَىٰ وَلَبِئْسَ الْعَشِيرُ﴾


Dumadalangin siya sa talagang ang pinsala nito ay higit na malapit kaysa ang pakinabang nito. Talagang kay saklap ang pinagpapatangkilikan at talagang kay saklap ang kapisan.

14- ﴿إِنَّ اللَّهَ يُدْخِلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ﴾


Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya.

15- ﴿مَنْ كَانَ يَظُنُّ أَنْ لَنْ يَنْصُرَهُ اللَّهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ فَلْيَمْدُدْ بِسَبَبٍ إِلَى السَّمَاءِ ثُمَّ لْيَقْطَعْ فَلْيَنْظُرْ هَلْ يُذْهِبَنَّ كَيْدُهُ مَا يَغِيظُ﴾


Ang sinumang nag-aakala na hindi mag-aadya si Allāh [sa Propeta] sa Mundo at Kabilang-buhay ay magpaabot siya ng isang tali sa bubong. Pagkatapos ay putulin niya [ito] at tumingin siya: mag-aalis nga ba ang pakana niya ng anumang nagpapangitngit [sa kanya]?

16- ﴿وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَاهُ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ وَأَنَّ اللَّهَ يَهْدِي مَنْ يُرِيدُ﴾


Gayon nagbaba nito bilang mga talata na naglilinaw, at [dahil] si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang ninanais Niya.

17- ﴿إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئِينَ وَالنَّصَارَىٰ وَالْمَجُوسَ وَالَّذِينَ أَشْرَكُوا إِنَّ اللَّهَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ﴾


Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeano, ang mga Kristiyano, ang mga Mago, at ang mga nagtambal [kay Allāh], tunay na si Allāh ay magbubukod sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.

18- ﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَسْجُدُ لَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ وَالنُّجُومُ وَالْجِبَالُ وَالشَّجَرُ وَالدَّوَابُّ وَكَثِيرٌ مِنَ النَّاسِ ۖ وَكَثِيرٌ حَقَّ عَلَيْهِ الْعَذَابُ ۗ وَمَنْ يُهِنِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ مُكْرِمٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يَشَاءُ ۩﴾


Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na naging karapat-dapat sa pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay wala sa kanyang tagapagparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya.

19- ﴿۞ هَٰذَانِ خَصْمَانِ اخْتَصَمُوا فِي رَبِّهِمْ ۖ فَالَّذِينَ كَفَرُوا قُطِّعَتْ لَهُمْ ثِيَابٌ مِنْ نَارٍ يُصَبُّ مِنْ فَوْقِ رُءُوسِهِمُ الْحَمِيمُ﴾


Ang dalawang ito ay dalawang magkaalitan na nag-aalitan hinggil sa Panginoon nila. Ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay magpuputul-putol para sa kanila ng mga damit na yari sa apoy. Ibubuhos mula sa ibabaw ng mga ulo nila ang napakainit na tubig.

20- ﴿يُصْهَرُ بِهِ مَا فِي بُطُونِهِمْ وَالْجُلُودُ﴾


Malulusaw sa pamamagitan nito ang nasa mga tiyan nila at ang mga balat.

21- ﴿وَلَهُمْ مَقَامِعُ مِنْ حَدِيدٍ﴾


Ukol sa kanila ay mga bambo na yari sa bakal.

22- ﴿كُلَّمَا أَرَادُوا أَنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا مِنْ غَمٍّ أُعِيدُوا فِيهَا وَذُوقُوا عَذَابَ الْحَرِيقِ﴾


Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon dahil sa pighati ay ibabalik sila sa loob niyon, at [sasabihin]: "Lumasap kayo ng pagdurusa ng pagsusunog."

23- ﴿إِنَّ اللَّهَ يُدْخِلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَلُؤْلُؤًا ۖ وَلِبَاسُهُمْ فِيهَا حَرِيرٌ﴾


Tunay na si Allāh ay magpapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Gagayakan sila roon ng mga pulseras na ginto at mga mutya. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla.

24- ﴿وَهُدُوا إِلَى الطَّيِّبِ مِنَ الْقَوْلِ وَهُدُوا إِلَىٰ صِرَاطِ الْحَمِيدِ﴾


Pinatnubayan sila sa kaaya-aya sa sinasabi at pinatnubayan sila sa landasin ng Kapuri-puri.

25- ﴿إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَالْمَسْجِدِ الْحَرَامِ الَّذِي جَعَلْنَاهُ لِلنَّاسِ سَوَاءً الْعَاكِفُ فِيهِ وَالْبَادِ ۚ وَمَنْ يُرِدْ فِيهِ بِإِلْحَادٍ بِظُلْمٍ نُذِقْهُ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ﴾


Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa Landas ni Allāh at sa Masjid na Pinakababanal na ginawa Namin para sa mga tao na magkapantay ang nananatili roon at ang pumupunta. Ang sinumang nagnanais doon ng isang paglihis bilang paglabag sa katarungan ay magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang masakit.

26- ﴿وَإِذْ بَوَّأْنَا لِإِبْرَاهِيمَ مَكَانَ الْبَيْتِ أَنْ لَا تُشْرِكْ بِي شَيْئًا وَطَهِّرْ بَيْتِيَ لِلطَّائِفِينَ وَالْقَائِمِينَ وَالرُّكَّعِ السُّجُودِ﴾


[Banggitin] noong naglaan Kami para kay Abraham ng pook ng Bahay na [nagsasabi]: "Huwag kang magtambal sa Akin ng anuman at magdalisay ka ng Bahay Ko para sa mga pumapaligid, mga tumatayo [sa pagdarasal], at mga tagayukod na nagpapatirapa.

27- ﴿وَأَذِّنْ فِي النَّاسِ بِالْحَجِّ يَأْتُوكَ رِجَالًا وَعَلَىٰ كُلِّ ضَامِرٍ يَأْتِينَ مِنْ كُلِّ فَجٍّ عَمِيقٍ﴾


Magpahayag ka sa mga tao ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,

28- ﴿لِيَشْهَدُوا مَنَافِعَ لَهُمْ وَيَذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَعْلُومَاتٍ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُمْ مِنْ بَهِيمَةِ الْأَنْعَامِ ۖ فَكُلُوا مِنْهَا وَأَطْعِمُوا الْبَائِسَ الْفَقِيرَ﴾


upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.

29- ﴿ثُمَّ لْيَقْضُوا تَفَثَهُمْ وَلْيُوفُوا نُذُورَهُمْ وَلْيَطَّوَّفُوا بِالْبَيْتِ الْعَتِيقِ﴾


Pagkatapos ay lumubos sila sa mga gawain ng ḥajj nila, tumupad sila sa mga panata nila, at magpaligid-ligid sila sa Bahay na Matanda.

30- ﴿ذَٰلِكَ وَمَنْ يُعَظِّمْ حُرُمَاتِ اللَّهِ فَهُوَ خَيْرٌ لَهُ عِنْدَ رَبِّهِ ۗ وَأُحِلَّتْ لَكُمُ الْأَنْعَامُ إِلَّا مَا يُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ ۖ فَاجْتَنِبُوا الرِّجْسَ مِنَ الْأَوْثَانِ وَاجْتَنِبُوا قَوْلَ الزُّورِ﴾


Iyon [ang kautusan]. Ang sinumang gumagalang sa mga pinakababanal ni Allāh, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa ganang Panginoon niya. Ipinahintulot para sa inyo ang mga hayupan maliban sa [bawal na] babanggitin sa inyo. Kaya iwaksi ninyo ang kasalaulaan mula sa mga diyus-diyusan at iwaksi ninyo ang pagsabi ng kabulaanan,

31- ﴿حُنَفَاءَ لِلَّهِ غَيْرَ مُشْرِكِينَ بِهِ ۚ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَكَأَنَّمَا خَرَّ مِنَ السَّمَاءِ فَتَخْطَفُهُ الطَّيْرُ أَوْ تَهْوِي بِهِ الرِّيحُ فِي مَكَانٍ سَحِيقٍ﴾


bilang mga nakakiling kay Allāh, na hindi mga tagapagtambal sa Kanya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay para bang bumagsak siya mula sa langit kaya dadagit sa kanya ang mga ibon o tatangay sa kanya ang hangin sa isang pook na liblib.

32- ﴿ذَٰلِكَ وَمَنْ يُعَظِّمْ شَعَائِرَ اللَّهِ فَإِنَّهَا مِنْ تَقْوَى الْقُلُوبِ﴾


Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag ni Allāh, tunay na ito ay bahagi ng pangingilag sa pagkakasala ng mga puso.

33- ﴿لَكُمْ فِيهَا مَنَافِعُ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ثُمَّ مَحِلُّهَا إِلَى الْبَيْتِ الْعَتِيقِ﴾


Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang hanggang sa isang yugtong itinakda. Pagkatapos ang pook ng mga ito ay hanggang sa Bahay na Matanda.

34- ﴿وَلِكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا لِيَذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُمْ مِنْ بَهِيمَةِ الْأَنْعَامِ ۗ فَإِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَلَهُ أَسْلِمُوا ۗ وَبَشِّرِ الْمُخْبِتِينَ﴾


Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang pamamaraan upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa itinustos Niya sa kanila na hayop ng mga hayupan. Ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos kaya sa Kanya kayo magpasakop. Magparating ka ng nakagagalak na balita sa mga tagapagpakumbaba,

35- ﴿الَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَجِلَتْ قُلُوبُهُمْ وَالصَّابِرِينَ عَلَىٰ مَا أَصَابَهُمْ وَالْمُقِيمِي الصَّلَاةِ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ﴾


na kapag nabanggit si Allāh ay nababagabag ang mga puso nila, na mga mapagtiis sa anumang dumapo sa kanila, na mga tagapagpanatili ng dasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.

36- ﴿وَالْبُدْنَ جَعَلْنَاهَا لَكُمْ مِنْ شَعَائِرِ اللَّهِ لَكُمْ فِيهَا خَيْرٌ ۖ فَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهَا صَوَافَّ ۖ فَإِذَا وَجَبَتْ جُنُوبُهَا فَكُلُوا مِنْهَا وَأَطْعِمُوا الْقَانِعَ وَالْمُعْتَرَّ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرْنَاهَا لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ﴾


Ang mga kamelyo at mga baka ay ginawa ang mga ito para sa inyo na mga sagisag ni Allāh; ukol sa inyo sa mga ito ay mabuti. Kaya bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa mga ito habang mga nakahanay. Kapag bumagsak ang mga tagiliran ng mga ito ay kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo ng maralitang nagtitimpi at maralitang nanghihingi. Gayon Kami nagpalingkod sa mga ito para sa inyo nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.

37- ﴿لَنْ يَنَالَ اللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَاؤُهَا وَلَٰكِنْ يَنَالُهُ التَّقْوَىٰ مِنْكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمْ لِتُكَبِّرُوا اللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَاكُمْ ۗ وَبَشِّرِ الْمُحْسِنِينَ﴾


Hindi makararating kay Allāh ang mga laman ng mga ito ni ang mga dugo ng mga ito, subalit nakararating sa Kanya ang pangingilag sa pagkasasala mula sa inyo. Gayon Siya nagpalingkod sa mga ito para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga tagagawa ng maganda.

38- ﴿۞ إِنَّ اللَّهَ يُدَافِعُ عَنِ الَّذِينَ آمَنُوا ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٍ كَفُورٍ﴾


Tunay na si Allāh ay nagtatanggol sa mga sumampalataya. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palataksil na mapagkaila sa utang na loob.

39- ﴿أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَاتَلُونَ بِأَنَّهُمْ ظُلِمُوا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ نَصْرِهِمْ لَقَدِيرٌ﴾


Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa kanila ay talagang May-kakayahan.

40- ﴿الَّذِينَ أُخْرِجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ بِغَيْرِ حَقٍّ إِلَّا أَنْ يَقُولُوا رَبُّنَا اللَّهُ ۗ وَلَوْلَا دَفْعُ اللَّهِ النَّاسَ بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لَهُدِّمَتْ صَوَامِعُ وَبِيَعٌ وَصَلَوَاتٌ وَمَسَاجِدُ يُذْكَرُ فِيهَا اسْمُ اللَّهِ كَثِيرًا ۗ وَلَيَنْصُرَنَّ اللَّهُ مَنْ يَنْصُرُهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ﴾


[Sila] ang mga pinalayas mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan malibang nagsasabi sila: "Ang Panginoon namin ay si Allāh." Kung hindi sa pagsupil ni Allāh sa mga tao: sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa [sa kanila], talaga sanang may winasak na mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga masjid na binabanggit sa mga ito ang pangalan ni Allāh nang madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.

41- ﴿الَّذِينَ إِنْ مَكَّنَّاهُمْ فِي الْأَرْضِ أَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ وَأَمَرُوا بِالْمَعْرُوفِ وَنَهَوْا عَنِ الْمُنْكَرِ ۗ وَلِلَّهِ عَاقِبَةُ الْأُمُورِ﴾


[Sila] ang mga kung pamamahalain Namin sa lupa ay magpapanatili sila sa pagdarasal, magbibigay sila ng zakāh, mag-uutos sila ng nakabubuti, at sasaway sila sa nakasasama. Kay Allāh ang mabuting kahihinatnan ng mga bagay.

42- ﴿وَإِنْ يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَعَادٌ وَثَمُودُ﴾


Kung nagpasinungaling sila sa iyo ay nagpasinungaling bago nila ang mga tao nina Noe, `Ād, at Thamūd,

43- ﴿وَقَوْمُ إِبْرَاهِيمَ وَقَوْمُ لُوطٍ﴾


at ang mga tao ni Abraham, at ang mga tao ni Lot,

44- ﴿وَأَصْحَابُ مَدْيَنَ ۖ وَكُذِّبَ مُوسَىٰ فَأَمْلَيْتُ لِلْكَافِرِينَ ثُمَّ أَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ﴾


at ang mga naninirahan sa Madyan. Pinasinungalingan si Moises kaya nagpalugit Ako sa mga tagatangging sumampalataya, pagkatapos ay sumunggab Ako sa kanila kaya magiging papaano na ang pagtutol Ko?

45- ﴿فَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ فَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَبِئْرٍ مُعَطَّلَةٍ وَقَصْرٍ مَشِيدٍ﴾


May ilan nang pamayanan na nilipol Namin samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan - kaya ang mga ito ay nakaguho sa mga bubong ng mga ito - at may ilan nang balon na pinabayaan at palasyong pinatayog.

46- ﴿أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَتَكُونَ لَهُمْ قُلُوبٌ يَعْقِلُونَ بِهَا أَوْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۖ فَإِنَّهَا لَا تَعْمَى الْأَبْصَارُ وَلَٰكِنْ تَعْمَى الْقُلُوبُ الَّتِي فِي الصُّدُورِ﴾


Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupa para magkaroon sila ng mga pusong uunawa sila sa pamamagitan ng mga ito o ng mga taingang dirinig sila sa pamamagitan ng mga ito? Sapagkat tunay na hindi nabubulag ang mga paningin subalit nabubulag ang mga puso na nasa mga dibdib.

47- ﴿وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِالْعَذَابِ وَلَنْ يُخْلِفَ اللَّهُ وَعْدَهُ ۚ وَإِنَّ يَوْمًا عِنْدَ رَبِّكَ كَأَلْفِ سَنَةٍ مِمَّا تَعُدُّونَ﴾


Ipinamamadali nila sa iyo ang pagdurusa at hindi naman sisira si Allāh sa pangako Niya. Tunay na ang isang araw sa ganang Panginoon mo ay gaya ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo.

48- ﴿وَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ أَمْلَيْتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ ثُمَّ أَخَذْتُهَا وَإِلَيَّ الْمَصِيرُ﴾


May ilan nang pamayanan na nagpalugit Ako sa mga ito samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Pagkatapos ay sumunggab Ako sa mga ito, at tungo sa Akin ang kahahantungan.

49- ﴿قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّمَا أَنَا لَكُمْ نَذِيرٌ مُبِينٌ﴾


Sabihin mo: "O mga tao, ako lamang para sa inyo ay isang tagapagbabalang malinaw."

50- ﴿فَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ﴾


Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay kapatawaran at isang panustos na masagana.

51- ﴿وَالَّذِينَ سَعَوْا فِي آيَاتِنَا مُعَاجِزِينَ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ﴾


Ang mga nagsikap naman kaugnay sa mga tanda Namin habang mga nagtatakang bumigo [sa mga ito], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.

52- ﴿وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ وَلَا نَبِيٍّ إِلَّا إِذَا تَمَنَّىٰ أَلْقَى الشَّيْطَانُ فِي أُمْنِيَّتِهِ فَيَنْسَخُ اللَّهُ مَا يُلْقِي الشَّيْطَانُ ثُمَّ يُحْكِمُ اللَّهُ آيَاتِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ﴾


Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng isang sugo ni isang propeta malibang kapag bumigkas siya ay nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas niya, ngunit nagpapawalang-bisa si Allāh sa ipinupukol ng demonyo. Pagkatapos ay nagpapatibay si Allāh sa mga tanda Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

53- ﴿لِيَجْعَلَ مَا يُلْقِي الشَّيْطَانُ فِتْنَةً لِلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ وَالْقَاسِيَةِ قُلُوبُهُمْ ۗ وَإِنَّ الظَّالِمِينَ لَفِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ﴾


[Iyan ay] upang gawin Niya ang ipinupukol ng demonyo na isang pagsubok para sa mga may sakit sa puso nila at matigas ang mga puso nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay talagang nasa isang hidwaang malayo.

54- ﴿وَلِيَعْلَمَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ أَنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ فَيُؤْمِنُوا بِهِ فَتُخْبِتَ لَهُ قُلُوبُهُمْ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَهَادِ الَّذِينَ آمَنُوا إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ﴾


[Iyan ay] upang malaman ng mga binigyan ng kaalaman na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo para maniwala sila rito para magpakumbaba rito ang mga puso nila. Tunay na si Allāh ay talagang nagpapatnubay sa mga sumampalataya tungo sa isang landasing tuwid.

55- ﴿وَلَا يَزَالُ الَّذِينَ كَفَرُوا فِي مِرْيَةٍ مِنْهُ حَتَّىٰ تَأْتِيَهُمُ السَّاعَةُ بَغْتَةً أَوْ يَأْتِيَهُمْ عَذَابُ يَوْمٍ عَقِيمٍ﴾


Hindi titigil ang mga tumangging sumampalataya sa isang pag-aalangan dito hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan pumunta sa kanila ang pagdurusa sa isang Araw na mapanira.

56- ﴿الْمُلْكُ يَوْمَئِذٍ لِلَّهِ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ ۚ فَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ﴾


Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng ginhawa.

57- ﴿وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا فَأُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ﴾


Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay pag-uukulan ng isang pagdurusang nanghahamak.

58- ﴿وَالَّذِينَ هَاجَرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ ثُمَّ قُتِلُوا أَوْ مَاتُوا لَيَرْزُقَنَّهُمُ اللَّهُ رِزْقًا حَسَنًا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ﴾


Ang mga lumikas sa landas ni Allāh, pagkatapos ay napatay sila o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh ng isang panustos na maganda. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.

59- ﴿لَيُدْخِلَنَّهُمْ مُدْخَلًا يَرْضَوْنَهُ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَعَلِيمٌ حَلِيمٌ﴾


Talagang magpapapasok nga Siya sa kanila sa isang pinagpapasukang kalulugdan nila. Tunay na si Allāh ay talagang Maalam, Matimpiin.

60- ﴿۞ ذَٰلِكَ وَمَنْ عَاقَبَ بِمِثْلِ مَا عُوقِبَ بِهِ ثُمَّ بُغِيَ عَلَيْهِ لَيَنْصُرَنَّهُ اللَّهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ﴾


Iyon nga. Ang sinumang nagpasakit ng tulad sa ipinasakit sa kanya, pagkatapos ay siniil siya, talagang mag-aadya nga sa kanya si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.

61- ﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَأَنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ﴾


Iyon ay dahil si Allāh ay nagpapapasok ng gabi sa maghapon at nagpapapasok ng maghapon sa gabi, at dahil si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.

62- ﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ هُوَ الْبَاطِلُ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ﴾


Iyon ay dahil si Allāh ay ang Totoo, at na ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at na si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.

63- ﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَتُصْبِحُ الْأَرْضُ مُخْضَرَّةً ۗ إِنَّ اللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ﴾


Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya ang lupa ay naging luntian? Tunay na si Allāh ay Nakatatalos, Tagabatid.

64- ﴿لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ﴾


Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang sa nasa lupa. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.

65- ﴿أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ سَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي الْأَرْضِ وَالْفُلْكَ تَجْرِي فِي الْبَحْرِ بِأَمْرِهِ وَيُمْسِكُ السَّمَاءَ أَنْ تَقَعَ عَلَى الْأَرْضِ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِالنَّاسِ لَرَءُوفٌ رَحِيمٌ﴾


Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpalingkod para sa inyo ng anumang nasa lupa at ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pinipigilan Niya ang langit na bumagsak sa lupa malibang may kapahintulutan Niya. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain.

66- ﴿وَهُوَ الَّذِي أَحْيَاكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ۗ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَكَفُورٌ﴾


Siya ang nagbigay-buhay sa inyo, pagkatapos ay nagbigay-kamatayan sa inyo. Tunay na ang tao ay talagang palatangging magpasalamat.

67- ﴿لِكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا هُمْ نَاسِكُوهُ ۖ فَلَا يُنَازِعُنَّكَ فِي الْأَمْرِ ۚ وَادْعُ إِلَىٰ رَبِّكَ ۖ إِنَّكَ لَعَلَىٰ هُدًى مُسْتَقِيمٍ﴾


Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang pamamaraan na sila ay nagsasagawa nito kaya huwag silang makipagtunggali sa iyo sa usapin. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo. Tunay na ikaw ay talagang nasa isang patnubay na tuwid.

68- ﴿وَإِنْ جَادَلُوكَ فَقُلِ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُونَ﴾


Kung makikipagtalo sila sa iyo ay sabihin mo: "Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo."

69- ﴿اللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ﴾


Si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang kayo dati ay nagkakaiba-iba.

70- ﴿أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَابٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ﴾


Hindi mo ba nalaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.

71- ﴿وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَمَا لَيْسَ لَهُمْ بِهِ عِلْمٌ ۗ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ نَصِيرٍ﴾


Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nagpapababa sa kanila ng isang katunayan at sa wala silang kaalaman hinggil doon. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mapag-adya.

72- ﴿وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ تَعْرِفُ فِي وُجُوهِ الَّذِينَ كَفَرُوا الْمُنْكَرَ ۖ يَكَادُونَ يَسْطُونَ بِالَّذِينَ يَتْلُونَ عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا ۗ قُلْ أَفَأُنَبِّئُكُمْ بِشَرٍّ مِنْ ذَٰلِكُمُ ۗ النَّارُ وَعَدَهَا اللَّهُ الَّذِينَ كَفَرُوا ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ﴾


Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin nang malinaw, makikilala mo sa mga mukha ng mga tumangging sumampalataya ang pagtutol. Halos dumaluhong sila sa mga bumibigkas sa kanila ng mga tanda Namin. Sabihin mo: "Kaya magbabalita ba ako sa inyo ng higit na masama kaysa roon? Ang apoy ay ipinangako ni Allāh sa mga tumangging sumampalataya. Kaaba-aba ang kahahantungan!"

73- ﴿يَا أَيُّهَا النَّاسُ ضُرِبَ مَثَلٌ فَاسْتَمِعُوا لَهُ ۚ إِنَّ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَنْ يَخْلُقُوا ذُبَابًا وَلَوِ اجْتَمَعُوا لَهُ ۖ وَإِنْ يَسْلُبْهُمُ الذُّبَابُ شَيْئًا لَا يَسْتَنْقِذُوهُ مِنْهُ ۚ ضَعُفَ الطَّالِبُ وَالْمَطْلُوبُ﴾


O mga tao, gumawa ng isang paghahalimbawa kaya makinig kayo roon. Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi makalilikha ng langaw, kung sakaling nagtipon man sila para roon. Kung mangangagaw sa kanila ang langaw ng isang bagay ay hindi sila makasasagip niyon mula rito. Humina ang humuhuli at ang hinuhuli.

74- ﴿مَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ﴾


Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.

75- ﴿اللَّهُ يَصْطَفِي مِنَ الْمَلَائِكَةِ رُسُلًا وَمِنَ النَّاسِ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ﴾


Si Allāh ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.

76- ﴿يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۗ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ﴾


Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Tungo kay Allāh ibinabalik ang mga bagay-bagay.

77- ﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا ارْكَعُوا وَاسْجُدُوا وَاعْبُدُوا رَبَّكُمْ وَافْعَلُوا الْخَيْرَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ ۩﴾


O mga sumampalataya, yumukod kayo, magpatirapa kayo, sumamba kayo sa Panginoon ninyo, at gumawa kayo ng mabuti nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.

78- ﴿وَجَاهِدُوا فِي اللَّهِ حَقَّ جِهَادِهِ ۚ هُوَ اجْتَبَاكُمْ وَمَا جَعَلَ عَلَيْكُمْ فِي الدِّينِ مِنْ حَرَجٍ ۚ مِلَّةَ أَبِيكُمْ إِبْرَاهِيمَ ۚ هُوَ سَمَّاكُمُ الْمُسْلِمِينَ مِنْ قَبْلُ وَفِي هَٰذَا لِيَكُونَ الرَّسُولُ شَهِيدًا عَلَيْكُمْ وَتَكُونُوا شُهَدَاءَ عَلَى النَّاسِ ۚ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَاعْتَصِمُوا بِاللَّهِ هُوَ مَوْلَاكُمْ ۖ فَنِعْمَ الْمَوْلَىٰ وَنِعْمَ النَّصِيرُ﴾


Makibaka kayo alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka. Siya ay humirang sa inyo at hindi Siya naglagay sa inyo sa Relihiyon ng anumang pahirap, na kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham. Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim noon pa at sa [Qur’an na] ito upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo at kayo naman ay maging mga saksi sa mga tao. Kaya magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at mangunyapit kayo kay Allāh. Siya ay ang Tagatangkilik ninyo, kaya kay inam ang Tagatangkilik at kay inam ang Mapag-adya!

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: