الولي
كلمة (الولي) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) من الفعل (وَلِيَ)،...
Pagkatapos ay nagpababa Siya sa inyo, matapos ng hapis, ng katiwasayan na isang antok na bumabalot sa isang pangkat kabilang sa inyo samantalang may isang pangkat naman na nagpabalisa nga sa kanila ang mga sarili nila, na nagpapalagay kay Allāh ng hindi totoo, na pagpapalagay ng Panahon ng Kamangmangan. Nagsasabi sila: "May ukol ba sa atin mula sa usapin na anuman?" Sabihin mo: "Tunay na ang usapin sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh." Nagkukubli sila sa mga sarili nila ng hindi nila inilalantad sa iyo. Nagsasabi sila: "Kung sakaling may ukol sa amin mula sa usapin na anuman ay hindi sana kami napatayan dito." Sabihin mo: "Kung sakaling kayo noon ay nasa mga bahay ninyo ay talaga sanang natampok ang mga itinakda sa kanila ang pagkapatay tungo sa mga pagpapaslangan sa kanila." [Ito ay] upang sumubok si Allāh sa nasa mga dibdib ninyo at upang sumala Siya sa nasa mga puso ninyo. Si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.