البحث

عبارات مقترحة:

الحكيم

اسمُ (الحكيم) اسمٌ جليل من أسماء الله الحسنى، وكلمةُ (الحكيم) في...

الرءوف

كلمةُ (الرَّؤُوف) في اللغة صيغةُ مبالغة من (الرأفةِ)، وهي أرَقُّ...

المهيمن

كلمة (المهيمن) في اللغة اسم فاعل، واختلف في الفعل الذي اشتقَّ...

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

1- ﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ حم﴾


Ḥā. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

2- ﴿وَالْكِتَابِ الْمُبِينِ﴾


Sumumpa si Allāh sa Qur'ān na nagliliwanag sa daan ng kapatnubayan tungo sa katotohanan:

3- ﴿إِنَّا جَعَلْنَاهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ﴾


Tunay na Kami ay gumawa nito bilang isang Qur’ān sa wika ng mga Arabe sa pag-asang kayo ay makapag-uunawa, O kapisanan ng mga taong bumaba ito sa wika ninyo, sa mga kahulugan nito at makaintindi sa mga ito upang maglipat kayo nito sa mga ibang kalipunan.

4- ﴿وَإِنَّهُ فِي أُمِّ الْكِتَابِ لَدَيْنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ﴾


Tunay na ang Qur'ān na ito, sa Tablerong Pinag-iingatan, ay talagang may kataasan at kaangatan, at may karunungan, na tinahas ang mga talata nito kaugnay sa mga pag-uutos nito at mga pagsaway nito.

5- ﴿أَفَنَضْرِبُ عَنْكُمُ الذِّكْرَ صَفْحًا أَنْ كُنْتُمْ قَوْمًا مُسْرِفِينَ﴾


Kaya ba mag-iiwan Kami ng pagpapababa ng Qur'ān sa inyo bilang pag-ayaw dahil sa pagpapadalas ninyo ng pagtatambal at mga pagsuway? Hindi Kami gagawa niyon, bagkus ang pagkaawa sa inyo ay humihiling ng kabaliktaran nito.

6- ﴿وَكَمْ أَرْسَلْنَا مِنْ نَبِيٍّ فِي الْأَوَّلِينَ﴾


Kay rami ng ipinadala Namin na propeta sa mga kalipunang nauna.

7- ﴿وَمَا يَأْتِيهِمْ مِنْ نَبِيٍّ إِلَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ﴾


Walang dumarating sa mga kalipunang naunang iyon na isang propeta mula sa ganang kay Allāh malibang sila noon sa kanya ay nanunuya.

8- ﴿فَأَهْلَكْنَا أَشَدَّ مِنْهُمْ بَطْشًا وَمَضَىٰ مَثَلُ الْأَوَّلِينَ﴾


Kaya nagpasawi Kami sa kanila na higit na matindi sa bagsik kaysa sa mga kalipunang iyon kaya hindi Kami nawawalang-kakayahan sa pagpapasawi sa kanila na higit na mahina kaysa sa mga iyon. Nagdaan sa Qur'ān ang paglalarawan sa pagpapasawi sa mga kalipunang nauna, tulad sa `Ād, Thamūd, mga kababayan ni Lot, at mga mamamayan ng Madyan.

9- ﴿وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ﴾


Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito kung sino ang lumikha sa mga langit at kung sino ang lumikha sa lupa ay talagang magsasabi nga sila na lumikha sa mga ito ang Makapangyarihan na hindi nagagapi ng isa man, ang Maalam sa bawat bagay,

10- ﴿الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ مَهْدًا وَجَعَلَ لَكُمْ فِيهَا سُبُلًا لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ﴾


si Allāh na pumatag para sa inyo ng lupa kaya gumawa Siya nito para sa inyo bilang isang naapakan na inaapakan ng mga paa ninyo at gumawa Siya para sa inyo rito ng mga daan sa mga bundok nito at mga lambak nito, sa pag-asang magabayan kayo sa pamamagitan ng mga iyon sa paghayo ninyo,

11- ﴿وَالَّذِي نَزَّلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً بِقَدَرٍ فَأَنْشَرْنَا بِهِ بَلْدَةً مَيْتًا ۚ كَذَٰلِكَ تُخْرَجُونَ﴾


na nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat na sasapat sa inyo at sasapat sa mga hayop ninyo at mga pananim ninyo kaya nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa isang bayang tuyot na walang halaman doon - gaya ng pagbibigay-buhay ni Allāh sa lupang tuyot na iyon sa pamamagitan ng halaman na magbibigay-buhay Siya sa inyo sa muling pagbubuhay -

12- ﴿وَالَّذِي خَلَقَ الْأَزْوَاجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُمْ مِنَ الْفُلْكِ وَالْأَنْعَامِ مَا تَرْكَبُونَ﴾


at na lumikha sa mga magkapares sa kalahatan ng mga ito, gaya ng gabi at maghapon, lalaki at babae, at iba pa sa mga ito, at gumawa para sa inyo ng mga daong at mga hayupan na sinasakyan ninyo sa mga paglalakbay ninyo sapagkat sumasakay kayo sa mga daong sa dagat at sumasakay kayo sa mga hayupan ninyo sa katihan

13- ﴿لِتَسْتَوُوا عَلَىٰ ظُهُورِهِ ثُمَّ تَذْكُرُوا نِعْمَةَ رَبِّكُمْ إِذَا اسْتَوَيْتُمْ عَلَيْهِ وَتَقُولُوا سُبْحَانَ الَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُ مُقْرِنِينَ﴾


ginawa Niya para sa inyo iyon sa kabuuan niyon sa pag-asang lumuklok kayo sa mga likod ng sinasakyan ninyo kabilang sa mga iyon sa mga paglalakbay ninyo, pagkatapos ay makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagpapalingkod sa mga ito para sa inyo kapag nakaluklok na kayo sa mga likod ng mga ito, at magsabi kayo sa mga dila ninyo: "Nagpakasakdal at nagpakabanal Siya na naglaan at nagpaamo para sa amin ng sinasakyang ito kaya nakapagyayari kami rito gayong hindi nangyaring kami rito ay mga makakakaya kung hindi dahil sa pagpapalingkod ni Allāh nito [sa amin]."

14- ﴿وَإِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنْقَلِبُونَ﴾


At tunay na kami sa Panginoon namin - tanging sa Kanya - ay talagang mga manunumbalik matapos ng kamatayan namin para sa pagtutuos at pagganti.

15- ﴿وَجَعَلُوا لَهُ مِنْ عِبَادِهِ جُزْءًا ۚ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَكَفُورٌ مُبِينٌ﴾


At naghaka-haka ang mga tagatambal na ang ilan sa mga nilikha ay ipinanganak buhat sa Tagalikha - kaluwalhatian sa Kanya - nang nagsabi silang ang mga anghel ay mga babaing anak ni Allāh. Tunay na ang taong nagsasabi ng sabing ito ay talagang isang mapagtangging sumampalataya, na malinaw ang kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw.

16- ﴿أَمِ اتَّخَذَ مِمَّا يَخْلُقُ بَنَاتٍ وَأَصْفَاكُمْ بِالْبَنِينَ﴾


O nagsasabi ba kayo, O mga tagatambal: "Gumawa si Allāh mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak para sa sarili Niya at nagtangi Siya sa inyo ng mga lalaki sa mga anak, sapagkat anong paghahati ang paghahating ito na hinaka-haka ninyo?"

17- ﴿وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُمْ بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحْمَٰنِ مَثَلًا ظَلَّ وَجْهُهُ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ﴾


Kapag binalitaan ang isa sa kanila hinggil sa [pagkakaroon ng] babaing anak na inuugnay niya sa Panginoon niya, ang mukha niya ay naging nangingitim dala ng tindi ng pagkabahala at pagkalungkot. Siya ay naging puno ng ngitngit. Kaya papaanong nag-uugnay siya sa Panginoon niya ng ikinalulumbay niya mismo kapag ibinalita sa kanya?

18- ﴿أَوَمَنْ يُنَشَّأُ فِي الْحِلْيَةِ وَهُوَ فِي الْخِصَامِ غَيْرُ مُبِينٍ﴾


O nag-uugnay ba sila sa Panginoon nila ng pinalalaki sa gayak, habang siya sa pakikipagtalo ay hindi malinaw ang pagsasalita dahil sa pagkababae niya?

19- ﴿وَجَعَلُوا الْمَلَائِكَةَ الَّذِينَ هُمْ عِبَادُ الرَّحْمَٰنِ إِنَاثًا ۚ أَشَهِدُوا خَلْقَهُمْ ۚ سَتُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْأَلُونَ﴾


Tumawag sila sa mga anghel na mga lingkod ng Napakamaawain - kaluwalhatian sa Kanya - bilang mga babae. Nakadalo ba sila nang lumikha sa mga iyon si Allāh para mapaglinawan nila na ang mga iyon ay mga babae? Magsusulat ang mga anghel sa pagsaksi nilang ito, tatanungin sila tungkol dito sa Araw ng Pagbangon, at pagdurusahin sila hinggil doon dahil sa kasinungalingan nila.

20- ﴿وَقَالُوا لَوْ شَاءَ الرَّحْمَٰنُ مَا عَبَدْنَاهُمْ ۗ مَا لَهُمْ بِذَٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ﴾


Nagsabi sila habang mga nangangatwiran: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami sumamba sa mga anghel ay hindi sana kami sumamba sa kanila. Kaya ang pangyayaring Siya ay lumuob niyon mula sa amin ay nagpapatunay sa pagkalugod Niya." Walang ukol sa kanila hinggil sa sabi nilang ito na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagsisinungaling.

21- ﴿أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا مِنْ قَبْلِهِ فَهُمْ بِهِ مُسْتَمْسِكُونَ﴾


O nagbigay ba Kami sa mga tagatambal na ito ng isang aklat noong wala pa ang Qur’an, na pumapayag para sa kanila ng pagsamba sa iba pa kay Allāh kaya sila ay mga kumakapit sa aklat na iyon, na mga nangangatwiran sa pamamagitan niyon?

22- ﴿بَلْ قَالُوا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِمْ مُهْتَدُونَ﴾


Hindi; hindi nangyari iyon. Bagkus nagsabi sila habang mga nangangatwiran ng paggaya-gaya: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin kabilang sa nauna sa amin sa isang relihiyon at isang kapaniwalaan, na sila nga noon ay sumasamba sa mga diyus-diyusan. Tunay na kami ay mga dumadaan sa mga bakas nila sa pagsamba sa mga iyon."

23- ﴿وَكَذَٰلِكَ مَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِمْ مُقْتَدُونَ﴾


Gaya ng pagpapasinungaling ng mga ito at pangangatwiran nila ng paggaya-gaya sa mga magulang nila, hindi Kami nagpadala noong wala ka pa, O Sugo, sa isang pamayanan ng isang sugong nagbababala sa mga kababayan niya malibang nagsabi ang mga pinuno nila at ang mga malaking tao nila kabilang sa mga may kaya sa kanila: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang relihiyon at isang kapaniwalaan, at tunay na kami ay mga sumusunod sa mga bakas nila, at ang mga kababayan mo ay hindi una sa gayon."

24- ﴿۞ قَالَ أَوَلَوْ جِئْتُكُمْ بِأَهْدَىٰ مِمَّا وَجَدْتُمْ عَلَيْهِ آبَاءَكُمْ ۖ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ﴾


Nagsabi sa kanila ang Sugo sa kanila: "Sumusunod ba kayo sa mga magulang ninyo kahit pa nagdala ako sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa kapaniwalaan ninyong dati na kayong naroon?" Nagsabi sila: "Tunay na kami ay mga tagatangging sumampalataya sa ipinasugo sa iyo mismo at sa sinumang nauna sa iyo kabilang sa mga sugo."

25- ﴿فَانْتَقَمْنَا مِنْهُمْ ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ﴾


Kaya naghiganti Kami sa mga kalipunang nagpasinungaling sa mga sugo noong wala ka pa. Kaya nagpasawi Kami sa kanila. Kaya magnilay-nilay ka kung papaano naging ang wakas ng mga tagapasinungaling sa mga sugo nila sapagkat iyon nga ay naging isang wakas na masakit.

26- ﴿وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ إِنَّنِي بَرَاءٌ مِمَّا تَعْبُدُونَ﴾


Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo na mga diyus-diyusan, bukod pa kay Allāh,

27- ﴿إِلَّا الَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُ سَيَهْدِينِ﴾


maliban kay Allāh na lumikha sa akin sapagkat tunay na Siya ay gagabay sa akin tungo sa naroon ang pakinabang ko na pagsunod sa relihiyon niyang matuwid."

28- ﴿وَجَعَلَهَا كَلِمَةً بَاقِيَةً فِي عَقِبِهِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾


At gumawa si Abraham sa pangungusap ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh (walang Diyos kundi si Allāh) na mananatili sa mga supling niya kapag wala na siya - sapagkat hindi maglalaho sa kanila ang naniniwala sa kaisahan ni Allāh, na hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman - sa pag-asang manumbalik sila kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Kanya mula sa pagtatambal at mga pagsuway.

29- ﴿بَلْ مَتَّعْتُ هَٰؤُلَاءِ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ جَاءَهُمُ الْحَقُّ وَرَسُولٌ مُبِينٌ﴾


Hindi ako nagmadali sa pagpapasawi sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito. Bagkus nagpatamasa Ako sa kanila sa pamamagitan ng pananatili sa Mundo at nagpatamasa Ako sa mga magulang nila noong wala pa sila hanggang sa dumating sa kanila ang Qur'ān at ang isang sugong malinaw, na si Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya.

30- ﴿وَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ وَإِنَّا بِهِ كَافِرُونَ﴾


Noong dumating sa kanila ang Qur'ān na ito na siyang katotohanan na walang mapag-aalinlanganan doon ay nagsabi sila: "Ito ay panggagaway na ginagaway kami sa pamamagitan nito ni Muḥammad, at tunay na kami rito ay mga tagatangging sumampalataya kaya hindi kami sasampalataya rito."

31- ﴿وَقَالُوا لَوْلَا نُزِّلَ هَٰذَا الْقُرْآنُ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنَ الْقَرْيَتَيْنِ عَظِيمٍ﴾


Nagsabi ang mga tagatambal na tagapasinungaling: "Bakit ba hindi nagpababa si Allāh ng Qur’ān na ito sa isa sa dalawang lalaking dakila mula sa Makkah o Ṭā'if, na sina Al-Walīd bin `Uqbah at `Urwah bin Mas`ūd Ath-Thaqafīy, sa halip ng pagpababa nito kay Muḥammad, ang maralitang ulila."

32- ﴿أَهُمْ يَقْسِمُونَ رَحْمَتَ رَبِّكَ ۚ نَحْنُ قَسَمْنَا بَيْنَهُمْ مَعِيشَتَهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَرَفَعْنَا بَعْضَهُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَاتٍ لِيَتَّخِذَ بَعْضُهُمْ بَعْضًا سُخْرِيًّا ۗ وَرَحْمَتُ رَبِّكَ خَيْرٌ مِمَّا يَجْمَعُونَ﴾


Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo, O Sugo, kaya nagbibigay sila nito sa kaninumang niloloob nila at nagkakait sila nito sa kaninumang niloloob nila, o si Allāh? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng mga panustos nila sa Mundo. Gumagawa Kami mula sa kanila ng mayaman at maralita upang ang iba sa kanila ay maging pinaglilingkod para sa iba pa. Ang awa ng Panginoon mo para sa mga lingkod Niya sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa anumang kinakalap ng mga ito na maglalahong ari-arian sa Mundo.

33- ﴿وَلَوْلَا أَنْ يَكُونَ النَّاسُ أُمَّةً وَاحِدَةً لَجَعَلْنَا لِمَنْ يَكْفُرُ بِالرَّحْمَٰنِ لِبُيُوتِهِمْ سُقُفًا مِنْ فِضَّةٍ وَمَعَارِجَ عَلَيْهَا يَظْهَرُونَ﴾


Kung hindi dahil sa ang mga tao ay magiging nag-iisang kalipunan sa kawalang-pananampalataya ay talaga sanang gumawa para sa mga bahay ng mga tumatangging sumampalataya kay Allāh ng mga bubong na pilak at gumawa para sa kanila ng mga hagdan na doon ay papanik sila,

34- ﴿وَلِبُيُوتِهِمْ أَبْوَابًا وَسُرُرًا عَلَيْهَا يَتَّكِئُونَ﴾


at gumawa para sa mga bahay nila ng mga pinto, gumawa para sa kanila ng mga kama na sa ibabaw ng mga ito ay sasandal sila, bilang isang pagpapain para sa kanila at isang pagsubok,

35- ﴿وَزُخْرُفًا ۚ وَإِنْ كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَالْآخِرَةُ عِنْدَ رَبِّكَ لِلْمُتَّقِينَ﴾


Talaga sanang gumawa Kami para sa kanila ng [palamuting] ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi pagtatamasa sa buhay na pangmundo sapagkat ang pakinabang nito ay kakaunti dahil sa kawalan ng pananatili nito. Ang nasa Kabilang-buhay na ginhawa ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo, O Sugo, para sa mga tagapangilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

36- ﴿وَمَنْ يَعْشُ عَنْ ذِكْرِ الرَّحْمَٰنِ نُقَيِّضْ لَهُ شَيْطَانًا فَهُوَ لَهُ قَرِينٌ﴾


Ang sinumang tumitingin nang tingin na hindi mahusay sa Qur'ān na nagpapahantong sa kanya sa pag-ayaw ay parurusahan sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa isang demonyong dumidikit sa kanya, na nagdaragdag sa kanya sa kalisyaan.

37- ﴿وَإِنَّهُمْ لَيَصُدُّونَهُمْ عَنِ السَّبِيلِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ مُهْتَدُونَ﴾


Tunay na ang mga kapisang ito na mga pinangingibabaw sa mga tagaayaw sa Qur'ān ay talagang bumabalakid sa kanila sa relihiyon ni Allāh kaya hindi sila sumusunod sa mga ipinag-uutos Niya at hindi sila umiiwas sa mga sinasaway Niya habang nag-aakala sila na sila ay mga napapatnubayan sa katotohanan at dahil doon sila ay hindi nagbabalik-loob mula sa pagligaw nila.

38- ﴿حَتَّىٰ إِذَا جَاءَنَا قَالَ يَا لَيْتَ بَيْنِي وَبَيْنَكَ بُعْدَ الْمَشْرِقَيْنِ فَبِئْسَ الْقَرِينُ﴾


hanggang sa kapag dumating kay Allāh ang tagaayaw sa Kanya sa Araw ng Pagbangon ay magsasabi siya habang nagmimithi: "O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo, O kapisan, ay may distansiyang nasa pagitan ng silangan at kanluran sapagkat pinapangit ka bilang kapisan!"

39- ﴿وَلَنْ يَنْفَعَكُمُ الْيَوْمَ إِذْ ظَلَمْتُمْ أَنَّكُمْ فِي الْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ﴾


Magsasabi si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon: "Hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na ito - yayamang lumabag nga kayo sa katarungan sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagtatambal at mga pagsuway - ang pagkakalahok ninyo sa pagdurusa sapagkat hindi magpapasan ang mga itinambal ninyo [sa Akin] ng anuman mula sa pagdurusa ninyo."

40- ﴿أَفَأَنْتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ أَوْ تَهْدِي الْعُمْيَ وَمَنْ كَانَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾


Tunay na ang mga ito ay mga bingi sa pagdinig ng katotohanan, mga bulag sa pagkakita nito. Kaya ikaw ba, O Sugo, ay nakakakaya sa pagpaparinig sa mga bingi o pagpapatnubay sa mga bulag o pagpapatnubay sa sinumang nangyaring nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa daang tuwid?!

41- ﴿فَإِمَّا نَذْهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنْهُمْ مُنْتَقِمُونَ﴾


Kaya kung nag-aalis Kami sa iyo - sa pamamagitan ng pagbibigay-kamatayan sa iyo bago Namin sila pagdurusahin - tunay na Kami ay maghihiganti sa kanila sa pamamagitan ng pagdulot ng pagdurusa sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay,

42- ﴿أَوْ نُرِيَنَّكَ الَّذِي وَعَدْنَاهُمْ فَإِنَّا عَلَيْهِمْ مُقْتَدِرُونَ﴾


o magpapakita nga Kami sa iyo ng ilan sa ipinangako Namin sa kanila na pagdurusa, at tunay na Kami sa kanila ay nakakakaya: hindi sila nakakakaya sa pagdaig sa Amin sa anuman.

43- ﴿فَاسْتَمْسِكْ بِالَّذِي أُوحِيَ إِلَيْكَ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ﴾


Kaya kumapit ka, O Sugo, sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo at gumawa ka ayon doon; tunay na ikaw ay nasa isang daang totoo, na walang pagkalito rito.

44- ﴿وَإِنَّهُ لَذِكْرٌ لَكَ وَلِقَوْمِكَ ۖ وَسَوْفَ تُسْأَلُونَ﴾


Tunay na ang Qur'ān na ito ay talagang isang dangal para sa iyo at isang dangal para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa pananampalataya rito, pagsunod sa patnubay nito, at pag-anyaya tungo rito.

45- ﴿وَاسْأَلْ مَنْ أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رُسُلِنَا أَجَعَلْنَا مِنْ دُونِ الرَّحْمَٰنِ آلِهَةً يُعْبَدُونَ﴾


Magtanong ka, O Sugo, kung sino ang ipinadala Namin, noong wala ka pa, na mga sugo: "Gumawa ba Kami, bukod pa sa Napakamaawain, ng mga masasamba na sasambahin?

46- ﴿وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾


Talaga ngang nagpadala Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao nito kaya nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito."

47- ﴿فَلَمَّا جَاءَهُمْ بِآيَاتِنَا إِذَا هُمْ مِنْهَا يَضْحَكُونَ﴾


Ngunit noong nagdala siya sa kanila ng mga tanda Namin, mayroon sa kanilang tumatawa dala ng panunuya at pangungutya.

48- ﴿وَمَا نُرِيهِمْ مِنْ آيَةٍ إِلَّا هِيَ أَكْبَرُ مِنْ أُخْتِهَا ۖ وَأَخَذْنَاهُمْ بِالْعَذَابِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾


Hindi Kami nagpapakita kay Paraon at sa mga maharlika nito kabilang sa mga tao niya ng anumang katwiran laban sa katumpakan sa dinala ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - malibang ito ay higit na mabigat kaysa sa nauna rito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa sa Mundo, sa pag-asang manumbalik sila [sa Amin] palayo sa kawalang-pananampalataya subalit walang anumang silbi.

49- ﴿وَقَالُوا يَا أَيُّهَ السَّاحِرُ ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَ إِنَّنَا لَمُهْتَدُونَ﴾


Kaya nagsabi sila kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - noong sumapit sa kanila ang ilan sa pagdurusa: "O manggagaway, dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo ng binanggit Niya sa iyo na pagpapawi ng pagdurusa kung sumampalataya kami; tunay na kami ay talagang mapapatnubayan patungo sa Kanya kung papawiin Niya ito sa amin."

50- ﴿فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ إِذَا هُمْ يَنْكُثُونَ﴾


Ngunit noong nagbaling Kami palayo sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay sumisira sa usapan sa tipan nila at hindi tumutupad dito.

51- ﴿وَنَادَىٰ فِرْعَوْنُ فِي قَوْمِهِ قَالَ يَا قَوْمِ أَلَيْسَ لِي مُلْكُ مِصْرَ وَهَٰذِهِ الْأَنْهَارُ تَجْرِي مِنْ تَحْتِي ۖ أَفَلَا تُبْصِرُونَ﴾


Nanawagan si Paraon sa mga tao niya, na nagsasabi sa pagyayabang sa kaharian niya: "O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto at ang mga ilog na ito na Nilo na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita sa kaharian ko at nakakikilala sa kadakilaan ko?

52- ﴿أَمْ أَنَا خَيْرٌ مِنْ هَٰذَا الَّذِي هُوَ مَهِينٌ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ﴾


Sapagkat ako ay higit na mabuti kaysa kay Moises, ang itinaboy, ang mahina, na hindi humuhusay sa pagsasalita?

53- ﴿فَلَوْلَا أُلْقِيَ عَلَيْهِ أَسْوِرَةٌ مِنْ ذَهَبٍ أَوْ جَاءَ مَعَهُ الْمَلَائِكَةُ مُقْتَرِنِينَ﴾


Kaya bakit ba hindi nag-ukol si Allāh, na nagsugo sa kanya, ng mga pulseras na ginto para sa kanya para magpalinaw na siya ay Sugo Nito o dumating kasama sa kanya ang mga anghel na nagsusunuran sa isa't isa?"

54- ﴿فَاسْتَخَفَّ قَوْمَهُ فَأَطَاعُوهُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ﴾


Kaya nag-udyok si Paraon sa mga tao niya at tumalima sila sa pagkaligaw niya. Tunay na sila noon ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh.

55- ﴿فَلَمَّا آسَفُونَا انْتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَاهُمْ أَجْمَعِينَ﴾


Kaya noong nagpagalit sila sa Amin dahil sa pagpapatuloy nila sa kawalang-pananampalataya ay naghiganti Kami sa kanila at lumunod Kami sa kanila nang lahatan.

56- ﴿فَجَعَلْنَاهُمْ سَلَفًا وَمَثَلًا لِلْآخِرِينَ﴾


Kaya gumawa Kami kay Paraon at sa konseho niya bilang pang-una na mangunguna para sa mga tao at sa mga tagatangging sumampalataya sa mga tao mo para sa kanila ng bakas. Gumawa Kami sa kanila ng isang maisasaalang-alang para sa sinumang magsasaalang-alang upang hindi siya gumawa ng gawain nila at dadapo sa kanya ang dumapo sa kanila.

57- ﴿۞ وَلَمَّا ضُرِبَ ابْنُ مَرْيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوْمُكَ مِنْهُ يَصِدُّونَ﴾


Noong nag-akala ang mga tagatambal na si Hesus na sinamba ng mga Kristiyano ay napaloloob sa kalahatan ng sabi ni Allāh (Qur'ān 21:98): "Tunay na kayo at ang sinasamba ninyo bukod kay Allāh ay mga panggatong ng Impiyerno, na kayo ay doon mga papasok," samantalang sumaway si Allāh laban sa pagsamba kay Hesus gaya ng pagsaway Niya laban sa pagsamba sa mga diyus-diyusan kapag ang mga tao mo, O Sugo, ay nag-iingay at sumisigaw sa pag-aalitan habang mga nagsasabi: "Nalugod kami na ang mga diyos namin ay maging nasa antas ni Hesus," ay nagpababa si Allāh ng tugon sa kanila (Qur'ān 21:101): "Tunay na ang mga nauna sa kanila mula sa Amin ang pinakamaganda, ang mga iyon buhat doon ay mga inilayo."

58- ﴿وَقَالُوا أَآلِهَتُنَا خَيْرٌ أَمْ هُوَ ۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلًا ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ خَصِمُونَ﴾


Nagsabi sila: "Ang mga sinasamba namin ba ay higit na mabuti o si Hesus?" Hindi sila naghahalintulad para sa iyo ng Anak ni Az-Ziba`rā at mga tulad nito ng paghahalintulad na ito bilang pagkaibig sa pag-abot sa katotohanan subalit bilang pagkaibig sa pakikipagtalo sapagkat sila ay mga taong naisakalikasan sa pakikipag-alitan.

59- ﴿إِنْ هُوَ إِلَّا عَبْدٌ أَنْعَمْنَا عَلَيْهِ وَجَعَلْنَاهُ مَثَلًا لِبَنِي إِسْرَائِيلَ﴾


Walang iba si Hesus na anak ni Maria kundi isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh, na biniyayaan ng pagkapropeta at pagkasugo. Gumawa si Allāh sa kanya bilang paghahalimbawa para sa mga anak ni Israel, na ipinapampatunay nila sa kakayahan ni Allāh nang lumikha Siya kay Hesus nang walang ama gaya ng pagkalikha kay Adan nang walang mga magulang.

60- ﴿وَلَوْ نَشَاءُ لَجَعَلْنَا مِنْكُمْ مَلَائِكَةً فِي الْأَرْضِ يَخْلُفُونَ﴾


At kung sakaling loloobin Namin ang pagpapasawi sa inyo, O mga anak ni Adan, ay talaga sanang nagpasawi Kami sa inyo at gumawa Kami kapalit ninyo ng mga anghel na hahalili sa inyo sa lupa, na sasamba kay Allāh, na hindi magtatambal sa Kanya ng anuman.

61- ﴿وَإِنَّهُ لَعِلْمٌ لِلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَاتَّبِعُونِ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ﴾


Tunay na si Hesus ay talagang isa sa mga palatandaan sa Malaking Huling Sandali kapag bumaba siya sa dulo ng panahon kaya huwag kayong magduda na ang Huling Sandali ay magaganap, at sumunod kayo sa akin sa dinala ko sa inyo mula sa ganang kay Allāh. Itong dinala ko sa inyo ay ang daang tuwid na walang kabaluktutan dito.

62- ﴿وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ الشَّيْطَانُ ۖ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ﴾


Huwag ngang magpapalihis sa inyo ang demonyo sa landasing tuwid sa pamamagitan ng pagpapalisya niya at pag-uudyok niya. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw sa pangangaway.

63- ﴿وَلَمَّا جَاءَ عِيسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ قَالَ قَدْ جِئْتُكُمْ بِالْحِكْمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُمْ بَعْضَ الَّذِي تَخْتَلِفُونَ فِيهِ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ﴾


Noong nagdala si Hesus - sumakanya ang pangangalaga - sa mga kababayan niya ng mga patunay na maliwanag na siya ay sugo, nagsabi siya sa kanila: "Nagdala nga ako sa inyo mula sa ganang kay Allāh ng karunungan at upang magpaliwanag ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon kabilang sa mga usapin ng relihiyon ninyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin kaugnay sa ipinag-uutos Ko sa inyo at sinasaway Ko sa inyo.

64- ﴿إِنَّ اللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ﴾


Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo - walang Panginoon sa atin na iba pa sa Kanya - kaya magpakawagas kayo para sa Kanya ng pagsamba. Ang paniniwala sa kaisahan Niyang ito ay ang daang tuwid na walang kabaluktutan dito."

65- ﴿فَاخْتَلَفَ الْأَحْزَابُ مِنْ بَيْنِهِمْ ۖ فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْ عَذَابِ يَوْمٍ أَلِيمٍ﴾


Ngunit nagkaiba-iba ang mga pangkatin ng mga Kristiyano hinggil sa pumapatungkol kay Hesus. Mayroon sa kanilang nagsasabing siya ay diyos at nagsasabing siya ay anak ng Diyos. Mayroon sa kanilang nagsasabing siya at ang ina niya ay mga diyos. Kaya ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila - dahil sa paglalarawan nila kay Hesus ng pagkadiyos o na siya ay isa sa tatlong persona - ay isang kapighatian mula sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

66- ﴿هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا السَّاعَةَ أَنْ تَأْتِيَهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ﴾


Walang hinihintay ang mga lapiang nagkakaiba-ibang ito hinggil sa pumapatungkol kay Hesus kundi ang Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakadarama ng pagsapit nito sapagkat kung dumating ito sa kanila habang sila ay nasa kawalang-pananampalataya nila, tunay na ang kahahantungan nila ay ang pagdurusang nakasasakit.

67- ﴿الْأَخِلَّاءُ يَوْمَئِذٍ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ إِلَّا الْمُتَّقِينَ﴾


Ang mga magkakatoto at ang mga magkakaibigan sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw ay mga magkaaway sa isa't isa sa Araw ng Pagbangon, maliban ang mga tagapangilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat ang pagkakaibigan nila ay palagi, hindi napuputol.

68- ﴿يَا عِبَادِ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمُ الْيَوْمَ وَلَا أَنْتُمْ تَحْزَنُونَ﴾


Magsasabi sa kanila si Allāh: "O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na ito sa kahaharapin ninyo at hindi kayo malulungkot sa nakaalpas sa inyo na mga bahagi sa Mundo."

69- ﴿الَّذِينَ آمَنُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا مُسْلِمِينَ﴾


[Sila] ang mga sumampalataya sa Qur'ān na ibinaba sa Sugo Nila samantalang sila noon ay mga nagpapaakay sa Qur'ān, sumusunod sa mga ipinag-uutos nito, at umiiwas sa mga sinasaway nito.

70- ﴿ادْخُلُوا الْجَنَّةَ أَنْتُمْ وَأَزْوَاجُكُمْ تُحْبَرُونَ﴾


Pumasok kayo sa Paraiso, kayo at ang mga tulad ninyo sa pananampalataya, na pinatutuwa kayo dahil sa daranasin ninyo na kaginhawahang mananatili.

71- ﴿يُطَافُ عَلَيْهِمْ بِصِحَافٍ مِنْ ذَهَبٍ وَأَكْوَابٍ ۖ وَفِيهَا مَا تَشْتَهِيهِ الْأَنْفُسُ وَتَلَذُّ الْأَعْيُنُ ۖ وَأَنْتُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾


Magpapalibot sa kanila ang mga tagapaglingkod nila ng mga lalagyang ginto at ng mga basong walang hawakan. Nasa paraiso ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata na makita. Kayo ay doon mga mamamalagi; hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.

72- ﴿وَتِلْكَ الْجَنَّةُ الَّتِي أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾


Ang Harding iyon na inilarawan sa inyo ay ang ipinamana sa inyo dahil sa dati ninyong ginagawa bilang kabutihang-loob mula sa Kanya.

73- ﴿لَكُمْ فِيهَا فَاكِهَةٌ كَثِيرَةٌ مِنْهَا تَأْكُلُونَ﴾


Para sa inyo roon ay bungang-kahoy na marami, na hindi mauubos, at mula sa mga ito ay kakain kayo.

74- ﴿إِنَّ الْمُجْرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَالِدُونَ﴾


Tunay na ang mga salarin dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, sa pagdurusa sa Impiyerno, ay mga mamamalagi magpakailanman.

75- ﴿لَا يُفَتَّرُ عَنْهُمْ وَهُمْ فِيهِ مُبْلِسُونَ﴾


Hindi pagagaanin para sa kanila ang pagdurusa habang sila roon ay mga nawawalan ng pag-asa sa awa ni Allāh.

76- ﴿وَمَا ظَلَمْنَاهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا هُمُ الظَّالِمِينَ﴾


Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila kapag magpapasok Kami sa kanila sa Apoy, subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya.

77- ﴿وَنَادَوْا يَا مَالِكُ لِيَقْضِ عَلَيْنَا رَبُّكَ ۖ قَالَ إِنَّكُمْ مَاكِثُونَ﴾


Mananawagan sila sa tagatanod ng Apoy, kay Anghel Mālik: "O Mālik, magbigay-kamatayan sa amin ang Panginoon mo para makapagpahinga kami sa pagdurusa," at sasagot sa kanila si Mālik sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na kayo ay mga mamamalagi sa pagdurusa palagi; hindi kayo mamamatay at hindi mapuputol sa inyo ang pagdurusa."

78- ﴿لَقَدْ جِئْنَاكُمْ بِالْحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَكُمْ لِلْحَقِّ كَارِهُونَ﴾


Talaga ngang nagdala Kami sa inyo sa Mundo ng katotohanang walang mapag-aalinlanganan doon, subalit ang karamihan sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam.

79- ﴿أَمْ أَبْرَمُوا أَمْرًا فَإِنَّا مُبْرِمُونَ﴾


Ngunit kung nanlansi sila sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at naghanda sila para sa kanya ng isang pakana, tunay na Kami ay tagapatatag para sa kanila ng isang panukalang hihigit sa pakana nila.

80- ﴿أَمْ يَحْسَبُونَ أَنَّا لَا نَسْمَعُ سِرَّهُمْ وَنَجْوَاهُمْ ۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيْهِمْ يَكْتُبُونَ﴾


O nagpapalagay sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila na ikinukubli nila sa mga puso nila o ng lihim nilang nagtatalakayan sila hinggil dito nang pakubli. Datapuwat tunay na Kami ay nakaririnig niyon sa kabuuan niyon, at ang mga anghel sa piling nila ay nagtatala ng bawat ginagawa nila.

81- ﴿قُلْ إِنْ كَانَ لِلرَّحْمَٰنِ وَلَدٌ فَأَنَا أَوَّلُ الْعَابِدِينَ﴾


Sabihin mo, O Sugo, sa mga nag-uugnay ng mga babaing anak kay Allāh - pagkataas-taas ni Allāh sa sabi nila ayon sa kataasang malaki: "Kung nagkaroon si Allāh ng isang anak; nagpakawalang-kaugnayan Siya roon at nagpakabanal, at ako ay ang una sa mga tagasamba kay Allāh - pagkataas-taas Siya - na mga nagpapawalang-kaugnayan niyon sa Kanya."

82- ﴿سُبْحَانَ رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ﴾


Nagpawalang-kaugnayan ang Panginoon ng mga langit at lupa at ang Panginoon ng Trono tungkol sa sinasabi ng mga tagatambal na ito na pag-uugnay ng katambal, asawa, at anak sa Kanya.

83- ﴿فَذَرْهُمْ يَخُوضُوا وَيَلْعَبُوا حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي يُوعَدُونَ﴾


Kaya iwan mo sila, O Sugo, na mag-usap hinggil sa kanila na kabulaanan at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila, ang Araw ng Pagbangon.

84- ﴿وَهُوَ الَّذِي فِي السَّمَاءِ إِلَٰهٌ وَفِي الْأَرْضِ إِلَٰهٌ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْعَلِيمُ﴾


At Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ang sinasamba sa langit ayon sa karapatan at Siya ang sinasamba sa lupa ayon sa karapatan. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya; ang Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman.

85- ﴿وَتَبَارَكَ الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَعِنْدَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ﴾


At nagkadagdagan ang kabutihan ni Allāh at ang pagpapala Niya - kaluwalhatian sa Kanya -na ukol sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito. Taglay Niya - tanging Siya - ang kaalaman sa Huling Sandali kung kailan sasapit ang Pagbangon, na walang nakaaalam dito na iba pa sa Kanya. Sa Kanya - tanging sa Kanya - kayo panunumbalikin sa Kabilang-buhay para sa pagtutuos at pagganti.

86- ﴿وَلَا يَمْلِكُ الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ الشَّفَاعَةَ إِلَّا مَنْ شَهِدَ بِالْحَقِّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ﴾


Hindi nakapagdudulot ang mga sinasamba ng mga tagatambal bukod pa kay Allāh ng pamamagitan kay Allāh maliban sa mga sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh samantalang siya ay nakaaalam sa anumang sinaksihan niya, tulad ni Hesus, ni Ezra, at ng mga anghel.

87- ﴿وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَهُمْ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ﴾


Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: "Lumikha sa amin si Allāh. Kaya papaanong nalilihis sa pagsamba sa Kanya matapos ng pag-aming ito?

88- ﴿وَقِيلِهِ يَا رَبِّ إِنَّ هَٰؤُلَاءِ قَوْمٌ لَا يُؤْمِنُونَ﴾


Nasa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - ang kaalaman sa hinaing ng Sugo na pagpapasinungaling ng mga kababayan niya at ang sabi niya hinggil doon: "O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya sa ipinasugo Mo sa akin sa kanila."

89- ﴿فَاصْفَحْ عَنْهُمْ وَقُلْ سَلَامٌ ۚ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ﴾


Kaya umayaw ka sa kanila at magsabi ka sa kanila ng magtutulak sa kasamaan nila - ito noon ay sa Makkah - sapagkat malalaman nila ang daranasin nilang parusa.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: