البحث

عبارات مقترحة:

الحيي

كلمة (الحيي ّ) في اللغة صفة على وزن (فعيل) وهو من الاستحياء الذي...

المليك

كلمة (المَليك) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعيل) بمعنى (فاعل)...

الخالق

كلمة (خالق) في اللغة هي اسمُ فاعلٍ من (الخَلْقِ)، وهو يَرجِع إلى...

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

1- ﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ حم﴾


Ḥā. Mīm.

2- ﴿وَالْكِتَابِ الْمُبِينِ﴾


Sumpa man sa Aklat na naglilinaw:

3- ﴿إِنَّا جَعَلْنَاهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ﴾


Tunay na Kami ay gumawa nito bilang isang Qur’ān na Arabe nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.

4- ﴿وَإِنَّهُ فِي أُمِّ الْكِتَابِ لَدَيْنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ﴾


Tunay na ito, sa Ina ng Aklat na nasa Amin, ay talagang mataas, marunong.

5- ﴿أَفَنَضْرِبُ عَنْكُمُ الذِّكْرَ صَفْحًا أَنْ كُنْتُمْ قَوْمًا مُسْرِفِينَ﴾


Kaya ba magbabaling Kami palayo sa inyo ng paalaala sa isang tabi dahil nangyaring kayo ay mga taong tagamalabis?

6- ﴿وَكَمْ أَرْسَلْنَا مِنْ نَبِيٍّ فِي الْأَوَّلِينَ﴾


Kay rami ng isinugo Namin na propeta sa mga sinauna.

7- ﴿وَمَا يَأْتِيهِمْ مِنْ نَبِيٍّ إِلَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ﴾


Walang dumarating sa kanila na isang propeta malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.

8- ﴿فَأَهْلَكْنَا أَشَدَّ مِنْهُمْ بَطْشًا وَمَضَىٰ مَثَلُ الْأَوَّلِينَ﴾


Kaya nagpasawi Kami sa higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik at nagdaan ang tulad sa mga sinauna.

9- ﴿وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ﴾


Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na lumikha ng mga ito ay ang Makapangyarihan, ang Maalam,

10- ﴿الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ مَهْدًا وَجَعَلَ لَكُمْ فِيهَا سُبُلًا لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ﴾


na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at gumawa para sa inyo roon ng mga landas nang harinawa kayo ay mapatnubayan,

11- ﴿وَالَّذِي نَزَّلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً بِقَدَرٍ فَأَنْشَرْنَا بِهِ بَلْدَةً مَيْتًا ۚ كَذَٰلِكَ تُخْرَجُونَ﴾


na nagpababa mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat at nagpanumbalik sa pamamagitan nito sa isang patay na bayan - gayon kayo palalabasin -

12- ﴿وَالَّذِي خَلَقَ الْأَزْوَاجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُمْ مِنَ الْفُلْكِ وَالْأَنْعَامِ مَا تَرْكَبُونَ﴾


at na lumikha sa mga magkapares sa kabuuan ng mga ito at gumawa para sa inyo ng mga daong at mga hayupan na sinasakyan ninyo

13- ﴿لِتَسْتَوُوا عَلَىٰ ظُهُورِهِ ثُمَّ تَذْكُرُوا نِعْمَةَ رَبِّكُمْ إِذَا اسْتَوَيْتُمْ عَلَيْهِ وَتَقُولُوا سُبْحَانَ الَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُ مُقْرِنِينَ﴾


upang lumuklok kayo sa mga likod ng mga ito, pagkatapos ay makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo kapag nakaluklok na kayo sa mga ito at magsabi kayo: "Kaluwalhatian sa Kanya na nagpalingkod para sa amin ng mga ito gayong hindi nangyaring kami sa mga ito ay mga makapananaig."

14- ﴿وَإِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنْقَلِبُونَ﴾


At tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang mga uuwi.

15- ﴿وَجَعَلُوا لَهُ مِنْ عِبَادِهِ جُزْءًا ۚ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَكَفُورٌ مُبِينٌ﴾


At nagturing sila para sa Kanya mula sa mga lingkod Niya ng isang bahagi. Tunay na ang tao ay talagang isang malinaw na mapagtangging magpasalamat.

16- ﴿أَمِ اتَّخَذَ مِمَّا يَخْلُقُ بَنَاتٍ وَأَصْفَاكُمْ بِالْبَنِينَ﴾


O gumawa ba Siya mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak at humirang Siya sa inyo ng mga lalaking anak?

17- ﴿وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُمْ بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحْمَٰنِ مَثَلًا ظَلَّ وَجْهُهُ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ﴾


At kapag binalitaan ang isa sa kanila hinggil sa ginawa niya para sa Pinakamahabagin bilang paghahalintulad, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis.

18- ﴿أَوَمَنْ يُنَشَّأُ فِي الْحِلْيَةِ وَهُوَ فِي الْخِصَامِ غَيْرُ مُبِينٍ﴾


O ang sinumang pinalalaki ba sa mga hiyas, habang siya sa pakikipag-alitan ay hindi malinaw, [ay inuugnay kay Allāh].

19- ﴿وَجَعَلُوا الْمَلَائِكَةَ الَّذِينَ هُمْ عِبَادُ الرَّحْمَٰنِ إِنَاثًا ۚ أَشَهِدُوا خَلْقَهُمْ ۚ سَتُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْأَلُونَ﴾


Nagturing sila sa mga anghel na mga lingkod ng Napakamaawain bilang mga babae. Nakasaksi ba sila sa paglikha sa mga iyon? Isusulat ang pagsaksi nila at tatanungin sila.

20- ﴿وَقَالُوا لَوْ شَاءَ الرَّحْمَٰنُ مَا عَبَدْنَاهُمْ ۗ مَا لَهُمْ بِذَٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ﴾


Nagsabi sila: "Kung sakaling niloob ng Napakamaawain ay hindi sana kami sumamba sa kanila." Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagsasapantaha.

21- ﴿أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا مِنْ قَبْلِهِ فَهُمْ بِهِ مُسْتَمْسِكُونَ﴾


O nagbigay ba Kami sa kanila ng isang aklat noong wala pa [ang Qur’an na] ito kaya sila roon ay mga kumakapit?

22- ﴿بَلْ قَالُوا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِمْ مُهْتَدُونَ﴾


Bagkus nagsabi sila: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga napapatnubayan."

23- ﴿وَكَذَٰلِكَ مَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِمْ مُقْتَدُونَ﴾


Gaya niyon, hindi Kami nagsugo noong wala ka pa sa isang pamayanan ng isang tagababala malibang nagsabi ang mga pinariwasa roon: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga tumutulad."

24- ﴿۞ قَالَ أَوَلَوْ جِئْتُكُمْ بِأَهْدَىٰ مِمَّا وَجَدْتُمْ عَلَيْهِ آبَاءَكُمْ ۖ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ﴾


Nagsabi [ang Sugo]: "Kahit pa ba nagdala ako sa inyo ng higit na patnubay kaysa sa natagpuan ninyo sa mga magulang ninyo?" Nagsabi sila: "Tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya."

25- ﴿فَانْتَقَمْنَا مِنْهُمْ ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ﴾


Kaya naghiganti Kami sa kanila. Kaya magmasid ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapasinungaling.

26- ﴿وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ إِنَّنِي بَرَاءٌ مِمَّا تَعْبُدُونَ﴾


[Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo,

27- ﴿إِلَّا الَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُ سَيَهْدِينِ﴾


maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin."

28- ﴿وَجَعَلَهَا كَلِمَةً بَاقِيَةً فِي عَقِبِهِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾


At gumawa siya rito bilang isang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay manunumbalik.

29- ﴿بَلْ مَتَّعْتُ هَٰؤُلَاءِ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ جَاءَهُمُ الْحَقُّ وَرَسُولٌ مُبِينٌ﴾


Bagkus nagpatamasa Ako sa mga ito at mga magulang nila hanggang sa dumating sa kanila ang katotohanan at isang sugong malinaw.

30- ﴿وَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ وَإِنَّا بِهِ كَافِرُونَ﴾


At noong dumating sa kanila ang katotohanan ay nagsabi sila: "Ito ay panggagaway at tunay na kami rito ay mga tagatangging sumampalataya."

31- ﴿وَقَالُوا لَوْلَا نُزِّلَ هَٰذَا الْقُرْآنُ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنَ الْقَرْيَتَيْنِ عَظِيمٍ﴾


Nagsabi sila: "Bakit hindi pinababa ang Qur’ān na ito sa isang dakilang lalaking mula sa dalawang pamayanan."

32- ﴿أَهُمْ يَقْسِمُونَ رَحْمَتَ رَبِّكَ ۚ نَحْنُ قَسَمْنَا بَيْنَهُمْ مَعِيشَتَهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَرَفَعْنَا بَعْضَهُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَاتٍ لِيَتَّخِذَ بَعْضُهُمْ بَعْضًا سُخْرِيًّا ۗ وَرَحْمَتُ رَبِّكَ خَيْرٌ مِمَّا يَجْمَعُونَ﴾


Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng kabuhayan nila sa buhay pangmundo. Nag-angat Kami sa iba sa kanila higit sa iba sa mga antas upang gumamit ang iba sa kanila sa iba pa sa paglilingkod. At ang awa ng Panginoon mo ay higit na mabuti kaysa sa anumang kinakalap nila.

33- ﴿وَلَوْلَا أَنْ يَكُونَ النَّاسُ أُمَّةً وَاحِدَةً لَجَعَلْنَا لِمَنْ يَكْفُرُ بِالرَّحْمَٰنِ لِبُيُوتِهِمْ سُقُفًا مِنْ فِضَّةٍ وَمَعَارِجَ عَلَيْهَا يَظْهَرُونَ﴾


Kung hindi dahil sa ang mga tao ay magiging nag-iisang kalipunan [sa kawalang-pananampalataya] ay talaga sanang gumawa para sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain para sa mga bahay nila ng mga bubong na pilak at mga hagdanan na sa mga ito ay papaibabaw sila,

34- ﴿وَلِبُيُوتِهِمْ أَبْوَابًا وَسُرُرًا عَلَيْهَا يَتَّكِئُونَ﴾


at para sa mga bahay nila ng mga pintuan, mga kama na sa ibabaw ng mga ito ay sasandal sila,

35- ﴿وَزُخْرُفًا ۚ وَإِنْ كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَالْآخِرَةُ عِنْدَ رَبِّكَ لِلْمُتَّقِينَ﴾


at palamuting ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi pagtatamasa sa buhay na pangmundo. Ang Kabilang-buhay sa ganang Panginoon mo ay para sa mga tagapangilag sa pagkakasala.

36- ﴿وَمَنْ يَعْشُ عَنْ ذِكْرِ الرَّحْمَٰنِ نُقَيِّضْ لَهُ شَيْطَانًا فَهُوَ لَهُ قَرِينٌ﴾


At ang sinumang nabubulagan sa pag-alaala sa Napakamaawain ay magtatalaga Kami para sa kanya ng isang demonyo kaya ito para sa kanya ay isang kapisan.

37- ﴿وَإِنَّهُمْ لَيَصُدُّونَهُمْ عَنِ السَّبِيلِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ مُهْتَدُونَ﴾


Tunay na ang mga ito ay talagang bumabalakid sa kanila sa landas habang nag-aakala sila na sila ay mga napapatnubayan

38- ﴿حَتَّىٰ إِذَا جَاءَنَا قَالَ يَا لَيْتَ بَيْنِي وَبَيْنَكَ بُعْدَ الْمَشْرِقَيْنِ فَبِئْسَ الْقَرِينُ﴾


hanggang sa kapag dumating siya sa Amin ay magsasabi siya: "O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo ay layo ng dalawang silangan sapagkat kay saklap ang kapisan!"

39- ﴿وَلَنْ يَنْفَعَكُمُ الْيَوْمَ إِذْ ظَلَمْتُمْ أَنَّكُمْ فِي الْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ﴾


At hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na iyon kapag lumabag kayo sa katarungan na kayo sa pagdurusa ay mga magkalahok.

40- ﴿أَفَأَنْتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ أَوْ تَهْدِي الْعُمْيَ وَمَنْ كَانَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ﴾


Kaya ikaw ba ay nakapagpaparinig sa mga bingi o nagpapatnubay sa mga bulag at sa sinumang nangyaring nasa isang pagkaligaw na malinaw?

41- ﴿فَإِمَّا نَذْهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنْهُمْ مُنْتَقِمُونَ﴾


Kaya alin sa dalawa: mag-aalis nga Kami sa iyo at tunay na Kami sa kanila ay maghihiganti,

42- ﴿أَوْ نُرِيَنَّكَ الَّذِي وَعَدْنَاهُمْ فَإِنَّا عَلَيْهِمْ مُقْتَدِرُونَ﴾


o magpapakita nga Kami sa iyo ng ipinangako Namin sa kanila at tunay na Kami sa kanila ay nakakakaya.

43- ﴿فَاسْتَمْسِكْ بِالَّذِي أُوحِيَ إِلَيْكَ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ﴾


Kaya mangunyapit ka sa ikinasi sa iyo; tunay na ikaw ay nasa isang landasing tuwid.

44- ﴿وَإِنَّهُ لَذِكْرٌ لَكَ وَلِقَوْمِكَ ۖ وَسَوْفَ تُسْأَلُونَ﴾


Tunay na ito ay talagang isang pagbanggit para sa iyo at para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo.

45- ﴿وَاسْأَلْ مَنْ أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رُسُلِنَا أَجَعَلْنَا مِنْ دُونِ الرَّحْمَٰنِ آلِهَةً يُعْبَدُونَ﴾


Magtanong ka sa isinugo Namin, noong wala ka pa, na mga sugo Namin kung gumawa ba Kami, bukod pa sa Napakamaawain, ng mga diyos na sasambahin?

46- ﴿وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾


Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin kay Paraon at sa konseho nito kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang."

47- ﴿فَلَمَّا جَاءَهُمْ بِآيَاتِنَا إِذَا هُمْ مِنْهَا يَضْحَكُونَ﴾


Ngunit noong nagdala siya sa kanila ng mga tanda Namin, biglang sila sa mga ito ay tumatawa.

48- ﴿وَمَا نُرِيهِمْ مِنْ آيَةٍ إِلَّا هِيَ أَكْبَرُ مِنْ أُخْتِهَا ۖ وَأَخَذْنَاهُمْ بِالْعَذَابِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ﴾


Hindi Kami nagpapakita sa kanila ng anumang tanda malibang ito ay higit na malaki kaysa sa nauna rito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa nang sa gayon sila ay manunumbalik.

49- ﴿وَقَالُوا يَا أَيُّهَ السَّاحِرُ ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَ إِنَّنَا لَمُهْتَدُونَ﴾


Nagsabi sila: "O manggagaway, dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo ng itinipan Niya sa ganang iyo; tunay na kami ay talagang mapapatnubayan."

50- ﴿فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ إِذَا هُمْ يَنْكُثُونَ﴾


Ngunit noong pumawi Kami sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay sumisira sa usapan.

51- ﴿وَنَادَىٰ فِرْعَوْنُ فِي قَوْمِهِ قَالَ يَا قَوْمِ أَلَيْسَ لِي مُلْكُ مِصْرَ وَهَٰذِهِ الْأَنْهَارُ تَجْرِي مِنْ تَحْتِي ۖ أَفَلَا تُبْصِرُونَ﴾


At nanawagan si Paraon sa mga tao niya. Nagsabi siya: "O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto at ang mga ilog na ito na dumadaloy mula sa ilalim ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita?

52- ﴿أَمْ أَنَا خَيْرٌ مِنْ هَٰذَا الَّذِي هُوَ مَهِينٌ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ﴾


O ako ba ay higit na mabuti kaysa rito na siyang hamak na hindi halos nakapaglilinaw?

53- ﴿فَلَوْلَا أُلْقِيَ عَلَيْهِ أَسْوِرَةٌ مِنْ ذَهَبٍ أَوْ جَاءَ مَعَهُ الْمَلَائِكَةُ مُقْتَرِنِينَ﴾


Kaya bakit hindi nag-ukol sa kanya ng mga pulseras na ginto o dumating kasama sa kanya ang mga anghel na mga magkakapisan?"

54- ﴿فَاسْتَخَفَّ قَوْمَهُ فَأَطَاعُوهُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ﴾


Kaya nagmaliit siya sa mga tao niya at tumalima sila sa kanya. Tunay na sila noon ay mga taong suwail.

55- ﴿فَلَمَّا آسَفُونَا انْتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَاهُمْ أَجْمَعِينَ﴾


Kaya noong nang-inis sila sa Amin ay naghiganti Kami sa kanila kaya lumunod Kami sa kanila nang lahatan.

56- ﴿فَجَعَلْنَاهُمْ سَلَفًا وَمَثَلًا لِلْآخِرِينَ﴾


Kaya gumawa Kami sa kanila bilang pauna at halimbawa para sa mga huli.

57- ﴿۞ وَلَمَّا ضُرِبَ ابْنُ مَرْيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوْمُكَ مِنْهُ يَصِدُّونَ﴾


Noong ginawa ang anak ni Maria bilang halimbawa, biglang ang mga kababayan mo sa kanya ay naghiyawan.

58- ﴿وَقَالُوا أَآلِهَتُنَا خَيْرٌ أَمْ هُوَ ۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلًا ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ خَصِمُونَ﴾


Nagsabi sila: "Ang mga diyos namin ba ay higit na mabuti o siya?" Hindi sila naghalintulad nito para sa iyo kundi bilang pakikipagtalo. Bagkus sila ay mga taong palaalitan.

59- ﴿إِنْ هُوَ إِلَّا عَبْدٌ أَنْعَمْنَا عَلَيْهِ وَجَعَلْنَاهُ مَثَلًا لِبَنِي إِسْرَائِيلَ﴾


Walang iba siya kundi isang lingkod na nagbiyaya Kami sa kanya at gumawa Kami sa kanya bilang paghahalimbawa para sa mga anak ni Israel.

60- ﴿وَلَوْ نَشَاءُ لَجَعَلْنَا مِنْكُمْ مَلَائِكَةً فِي الْأَرْضِ يَخْلُفُونَ﴾


At kung sakaling loloobin Namin ay talaga sanang gumawa Kami mula sa inyo ng mga anghel sa lupa na maghahalilihan.

61- ﴿وَإِنَّهُ لَعِلْمٌ لِلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَاتَّبِعُونِ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ﴾


Tunay [na si Hesus ay] talagang kaalaman sa Huling Sandali kaya huwag nga kayong mag-aalinlangan doon at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid.

62- ﴿وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ الشَّيْطَانُ ۖ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ﴾


Huwag ngang babalakid sa inyo ang demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.

63- ﴿وَلَمَّا جَاءَ عِيسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ قَالَ قَدْ جِئْتُكُمْ بِالْحِكْمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُمْ بَعْضَ الَّذِي تَخْتَلِفُونَ فِيهِ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ﴾


Noong nagdala si Hesus ng mga malinaw na patunay ay nagsabi siya: "Nagdala nga ako sa inyo ng karunungan at upang maglinaw para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

64- ﴿إِنَّ اللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ﴾


Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid."

65- ﴿فَاخْتَلَفَ الْأَحْزَابُ مِنْ بَيْنِهِمْ ۖ فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْ عَذَابِ يَوْمٍ أَلِيمٍ﴾


Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian sa pagitan nila, kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan mula sa isang pagdurusa sa isang Araw na masakit.

66- ﴿هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا السَّاعَةَ أَنْ تَأْتِيَهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ﴾


Wala silang hinihintay kundi ang Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

67- ﴿الْأَخِلَّاءُ يَوْمَئِذٍ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ إِلَّا الْمُتَّقِينَ﴾


Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba ay magiging kaaway, maliban ang mga tagapangilag sa pagkakasala.

68- ﴿يَا عِبَادِ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمُ الْيَوْمَ وَلَا أَنْتُمْ تَحْزَنُونَ﴾


O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na iyon at hindi kayo malulungkot.

69- ﴿الَّذِينَ آمَنُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا مُسْلِمِينَ﴾


[Sila] ang mga sumampalataya sa mga tanda Namin samantalang sila noon ay mga tagapasakop.

70- ﴿ادْخُلُوا الْجَنَّةَ أَنْتُمْ وَأَزْوَاجُكُمْ تُحْبَرُونَ﴾


Pumasok kayo sa Paraiso, kayo at ang mga kabiyak ninyo, na pinagagalak kayo.

71- ﴿يُطَافُ عَلَيْهِمْ بِصِحَافٍ مِنْ ذَهَبٍ وَأَكْوَابٍ ۖ وَفِيهَا مَا تَشْتَهِيهِ الْأَنْفُسُ وَتَلَذُّ الْأَعْيُنُ ۖ وَأَنْتُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾


Magpapalibot sa kanila ng mga plato at mga basong yari sa ginto. Naroon ang ninanasa ng mga sarili at ang minamasarap ng mga mata. Kayo ay doon mga mananatili.

72- ﴿وَتِلْكَ الْجَنَّةُ الَّتِي أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ﴾


Iyon ay ang Hardin na ipinamana sa inyo dahil sa dati ninyong ginagawa.

73- ﴿لَكُمْ فِيهَا فَاكِهَةٌ كَثِيرَةٌ مِنْهَا تَأْكُلُونَ﴾


Para sa inyo roon ay bungang-kahoy na marami at mula sa mga ito ay kakain kayo.

74- ﴿إِنَّ الْمُجْرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَالِدُونَ﴾


Tunay na ang mga salarin sa pagdurusa sa Impiyerno ay mga mananatili.

75- ﴿لَا يُفَتَّرُ عَنْهُمْ وَهُمْ فِيهِ مُبْلِسُونَ﴾


Hindi pahuhupain ito para sa kanila habang sila roon ay mga nalulumbay.

76- ﴿وَمَا ظَلَمْنَاهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا هُمُ الظَّالِمِينَ﴾


Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan.

77- ﴿وَنَادَوْا يَا مَالِكُ لِيَقْضِ عَلَيْنَا رَبُّكَ ۖ قَالَ إِنَّكُمْ مَاكِثُونَ﴾


Mananawagan sila: "O Mālik, magpawakas sa amin ang Panginoon mo." Magsasabi siya: "Tunay na kayo ay mga mananatili."

78- ﴿لَقَدْ جِئْنَاكُمْ بِالْحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَكُمْ لِلْحَقِّ كَارِهُونَ﴾


Talaga ngang nagdala Kami sa inyo ng katotohanan subalit ang higit na marami sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam.

79- ﴿أَمْ أَبْرَمُوا أَمْرًا فَإِنَّا مُبْرِمُونَ﴾


O nagpatibay ba sila ng isang bagay sapagkat tunay na Kami ay tagapatibay.

80- ﴿أَمْ يَحْسَبُونَ أَنَّا لَا نَسْمَعُ سِرَّهُمْ وَنَجْوَاهُمْ ۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيْهِمْ يَكْتُبُونَ﴾


O nag-aakala sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila at pagsasarilinan nila. Datapuwat [nakaririnig], at ang mga sugo Namin sa piling nila ay nagtatala.

81- ﴿قُلْ إِنْ كَانَ لِلرَّحْمَٰنِ وَلَدٌ فَأَنَا أَوَّلُ الْعَابِدِينَ﴾


Sabihin mo: "Kung nagkaroon ang Napakamaawain ng isang anak, at ako ay ang una sa mga tagasamba."

82- ﴿سُبْحَانَ رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ﴾


Kaluwalhatian sa Panginoon ng mga langit at lupa, Panginoon ng Trono, higit sa inilalarawan nila.

83- ﴿فَذَرْهُمْ يَخُوضُوا وَيَلْعَبُوا حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي يُوعَدُونَ﴾


Kaya hayaan mo silang mag-usap ng kabulaanan at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila.

84- ﴿وَهُوَ الَّذِي فِي السَّمَاءِ إِلَٰهٌ وَفِي الْأَرْضِ إِلَٰهٌ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْعَلِيمُ﴾


At Siya ang sa langit ay Diyos at sa lupa ay Diyos. Siya ay ang Marunong, ang Maalam.

85- ﴿وَتَبَارَكَ الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَعِنْدَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ﴾


Mapagpala ang sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Taglay Niya ang kaalaman sa Huling Sandali at sa Kanya kayo panunumbalikin.

86- ﴿وَلَا يَمْلِكُ الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ الشَّفَاعَةَ إِلَّا مَنْ شَهِدَ بِالْحَقِّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ﴾


Hindi nakapagdudulot ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ng pamamagitan maliban sa mga sumaksi sa katotohanan at sila ay nakaaalam.

87- ﴿وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَهُمْ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ﴾


Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila?

88- ﴿وَقِيلِهِ يَا رَبِّ إِنَّ هَٰؤُلَاءِ قَوْمٌ لَا يُؤْمِنُونَ﴾


[Kumikilala si Allāh] sa sabi niya: "O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya."

89- ﴿فَاصْفَحْ عَنْهُمْ وَقُلْ سَلَامٌ ۚ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ﴾


Kaya magsaisang-tabi ka sa kanila at magsabi ka: "Kapayapaan!" sapagkat malalaman nila.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: