البحث

عبارات مقترحة:

الحسيب

 (الحَسِيب) اسمٌ من أسماء الله الحسنى، يدل على أن اللهَ يكفي...

الباسط

كلمة (الباسط) في اللغة اسم فاعل من البسط، وهو النشر والمدّ، وهو...

الظاهر

هو اسمُ فاعل من (الظهور)، وهو اسمٌ ذاتي من أسماء الربِّ تبارك...

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

1- ﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ حم﴾


Ḥā. Mīm.

2- ﴿وَالْكِتَابِ الْمُبِينِ﴾


Sumpa man sa Aklat na malinaw,

3- ﴿إِنَّا أَنْزَلْنَاهُ فِي لَيْلَةٍ مُبَارَكَةٍ ۚ إِنَّا كُنَّا مُنْذِرِينَ﴾


tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing pinagpala. Tunay na Kami noon ay nagbababala.

4- ﴿فِيهَا يُفْرَقُ كُلُّ أَمْرٍ حَكِيمٍ﴾


Sa [gabing] iyon pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak,

5- ﴿أَمْرًا مِنْ عِنْدِنَا ۚ إِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ﴾


bilang isang usaping mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagsusugo,

6- ﴿رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ﴾


bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

7- ﴿رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ إِنْ كُنْتُمْ مُوقِنِينَ﴾


Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo noon ay mga nakatitiyak.

8- ﴿لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ رَبُّكُمْ وَرَبُّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ﴾


Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga sinauna.

9- ﴿بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ يَلْعَبُونَ﴾


Bagkus sila sa isang pagdududa ay naglalaro.

10- ﴿فَارْتَقِبْ يَوْمَ تَأْتِي السَّمَاءُ بِدُخَانٍ مُبِينٍ﴾


Kaya mag-abang ka sa Araw na maghahatid ang langit ng isang usok na malinaw.

11- ﴿يَغْشَى النَّاسَ ۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾


Babalot ito sa mga tao. Ito ay isang pagdurusang masakit.

12- ﴿رَبَّنَا اكْشِفْ عَنَّا الْعَذَابَ إِنَّا مُؤْمِنُونَ﴾


Panginoon Namin, pumawi Ka sa amin ng pagdurusa; tunay na Kami ay mga mananampalataya.

13- ﴿أَنَّىٰ لَهُمُ الذِّكْرَىٰ وَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مُبِينٌ﴾


Paanong ukol sa kanila ang paalaala gayong may dumating na sa kanilang isang Sugong malinaw?

14- ﴿ثُمَّ تَوَلَّوْا عَنْهُ وَقَالُوا مُعَلَّمٌ مَجْنُونٌ﴾


Pagkatapos ay tumalikod sila sa kanya at nagsabi sila: "Isang tinuruang baliw."

15- ﴿إِنَّا كَاشِفُو الْعَذَابِ قَلِيلًا ۚ إِنَّكُمْ عَائِدُونَ﴾


Tunay na Kami ay papawi ng pagdurusa nang kakaunti. Tunay na kayo ay mga babalik.

16- ﴿يَوْمَ نَبْطِشُ الْبَطْشَةَ الْكُبْرَىٰ إِنَّا مُنْتَقِمُونَ﴾


Sa Araw na hahagupit Kami ng paghagupit na pinakamalaki, tunay na Kami ay maghihiganti.

17- ﴿۞ وَلَقَدْ فَتَنَّا قَبْلَهُمْ قَوْمَ فِرْعَوْنَ وَجَاءَهُمْ رَسُولٌ كَرِيمٌ﴾


Talaga ngang sumubok Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal,

18- ﴿أَنْ أَدُّوا إِلَيَّ عِبَادَ اللَّهِ ۖ إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ﴾


na [nagsasabi]: "Ipaubaya ninyo sa akin ang mga lingkod ni Allāh - tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan -

19- ﴿وَأَنْ لَا تَعْلُوا عَلَى اللَّهِ ۖ إِنِّي آتِيكُمْ بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ﴾


at huwag kayong magmataas kay Allāh - tunay na ako ay dumarating sa inyo nang may kapamahalaang malinaw.

20- ﴿وَإِنِّي عُذْتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمْ أَنْ تَرْجُمُونِ﴾


At tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka bumato kayo sa akin.

21- ﴿وَإِنْ لَمْ تُؤْمِنُوا لِي فَاعْتَزِلُونِ﴾


At kung hindi kayo naniwala sa akin ay lumayo kayo sa akin."

22- ﴿فَدَعَا رَبَّهُ أَنَّ هَٰؤُلَاءِ قَوْمٌ مُجْرِمُونَ﴾


Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya na ang mga ito ay mga taong salarin.

23- ﴿فَأَسْرِ بِعِبَادِي لَيْلًا إِنَّكُمْ مُتَّبَعُونَ﴾


Kaya [nag-utos si Allāh]: "Kaya maglakbay ka kasama ng mga lingkod Ko sa isang gabi; tunay na kayo ay mga susundan."

24- ﴿وَاتْرُكِ الْبَحْرَ رَهْوًا ۖ إِنَّهُمْ جُنْدٌ مُغْرَقُونَ﴾


At iwan mo ang dagat nang payapa; tunay na sila ay mga kawal na malulunod.

25- ﴿كَمْ تَرَكُوا مِنْ جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ﴾


Kay rami ng iniwan nilang mga hardin at mga bukal,

26- ﴿وَزُرُوعٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ﴾


mga pananim at pinanatilihang marangal,

27- ﴿وَنَعْمَةٍ كَانُوا فِيهَا فَاكِهِينَ﴾


at biyayang sila dati roon ay mga nagpapasarap!

28- ﴿كَذَٰلِكَ ۖ وَأَوْرَثْنَاهَا قَوْمًا آخَرِينَ﴾


Gayon nga, at nagpamana Kami sa mga ibang tao.

29- ﴿فَمَا بَكَتْ عَلَيْهِمُ السَّمَاءُ وَالْأَرْضُ وَمَا كَانُوا مُنْظَرِينَ﴾


Kaya hindi umiyak para sa kanila ang langit at ang lupa at sila noon ay hindi mga ipagpapaliban.

30- ﴿وَلَقَدْ نَجَّيْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ مِنَ الْعَذَابِ الْمُهِينِ﴾


Talaga ngang nagligtas Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang manghahamak

31- ﴿مِنْ فِرْعَوْنَ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَالِيًا مِنَ الْمُسْرِفِينَ﴾


mula kay Paraon. Tunay na siya noon ay nagmamataas kabilang sa mga tagamalabis.

32- ﴿وَلَقَدِ اخْتَرْنَاهُمْ عَلَىٰ عِلْمٍ عَلَى الْعَالَمِينَ﴾


Talaga ngang pumili Kami sa kanila ayon sa kaalaman higit sa [lahat ng] mga nilalang.

33- ﴿وَآتَيْنَاهُمْ مِنَ الْآيَاتِ مَا فِيهِ بَلَاءٌ مُبِينٌ﴾


At nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda na may isang pagsubok na malinaw.

34- ﴿إِنَّ هَٰؤُلَاءِ لَيَقُولُونَ﴾


Tunay na ang mga ito ay talagang nagsasabi:

35- ﴿إِنْ هِيَ إِلَّا مَوْتَتُنَا الْأُولَىٰ وَمَا نَحْنُ بِمُنْشَرِينَ﴾


"Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una, at hindi kami mga bubuhayin.

36- ﴿فَأْتُوا بِآبَائِنَا إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ﴾


Kaya maglahad kayo ng mga magulang namin kung nangyaring kayo ay mga tapat."

37- ﴿أَهُمْ خَيْرٌ أَمْ قَوْمُ تُبَّعٍ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ أَهْلَكْنَاهُمْ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا مُجْرِمِينَ﴾


Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang kabilang sa nauna sa kanila, na nagpasawi Kami sa kanila? Tunay na sila noon ay mga salarin.

38- ﴿وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لَاعِبِينَ﴾


Hindi Kami lumikha sa langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang mga naglalaro.

39- ﴿مَا خَلَقْنَاهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ﴾


Hindi Kami lumikha ng mga ito malibang sa katotohanan subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

40- ﴿إِنَّ يَوْمَ الْفَصْلِ مِيقَاتُهُمْ أَجْمَعِينَ﴾


Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay tipanan nila nang lahatan,

41- ﴿يَوْمَ لَا يُغْنِي مَوْلًى عَنْ مَوْلًى شَيْئًا وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ﴾


sa Araw na hindi magpapakinabang ng anuman ang isang tagatangkilik sa isang tinatangkilik at hindi sila maiaadya,

42- ﴿إِلَّا مَنْ رَحِمَ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ﴾


maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh; tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain.

43- ﴿إِنَّ شَجَرَتَ الزَّقُّومِ﴾


Tunay na ang puno ng Zaqqūm

44- ﴿طَعَامُ الْأَثِيمِ﴾


ay pagkain ng makasalanan.

45- ﴿كَالْمُهْلِ يَغْلِي فِي الْبُطُونِ﴾


Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan

46- ﴿كَغَلْيِ الْحَمِيمِ﴾


gaya ng pagkulo ng nakapapasong tubig.

47- ﴿خُذُوهُ فَاعْتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَاءِ الْجَحِيمِ﴾


[Sasabihin]: "Kunin ninyo siya at kaladkarin ninyo siya patungo sa kalagitnaan ng Impiyerno.

48- ﴿ثُمَّ صُبُّوا فَوْقَ رَأْسِهِ مِنْ عَذَابِ الْحَمِيمِ﴾


Pagkatapos ay magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo niya ng pagdurusa sa nakapapasong tubig.

49- ﴿ذُقْ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَزِيزُ الْكَرِيمُ﴾


Lasapin mo; tunay na ikaw ay ang makapangyarihan, ang mapagbigay.

50- ﴿إِنَّ هَٰذَا مَا كُنْتُمْ بِهِ تَمْتَرُونَ﴾


Tunay na ito ay ang dati ninyong pinag-aalinlanganan."

51- ﴿إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينٍ﴾


Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa pinananatilihang ligtas,

52- ﴿فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ﴾


sa mga hardin at mga bukal,

53- ﴿يَلْبَسُونَ مِنْ سُنْدُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُتَقَابِلِينَ﴾


na magsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla, nang mga magkaharapan.

54- ﴿كَذَٰلِكَ وَزَوَّجْنَاهُمْ بِحُورٍ عِينٍ﴾


Gayon nga, at ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maningning na mata.

55- ﴿يَدْعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَاكِهَةٍ آمِنِينَ﴾


Mananawagan sila roon ng bawat bungang-kahoy, nang mga natitiwasay.

56- ﴿لَا يَذُوقُونَ فِيهَا الْمَوْتَ إِلَّا الْمَوْتَةَ الْأُولَىٰ ۖ وَوَقَاهُمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ﴾


Hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay, at mangangalaga Siya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno

57- ﴿فَضْلًا مِنْ رَبِّكَ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ﴾


bilang isang kabutihang-loob mula sa Panginoon mo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.

58- ﴿فَإِنَّمَا يَسَّرْنَاهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ﴾


Kaya nagpadali lamang Kami nito sa dila mo nang sa gayon sila ay magsaalaala.

59- ﴿فَارْتَقِبْ إِنَّهُمْ مُرْتَقِبُونَ﴾


Kaya mag-abang ka; tunay na sila ay mga nag-aabang.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: