المجيد
كلمة (المجيد) في اللغة صيغة مبالغة من المجد، ومعناه لغةً: كرم...
Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.
Kaya nagsabi siya: "Walang iba ito ay kundi isang panggagaway na ipinamamana-mana.
At hindi Kami naglagay ng mga tanod ng Apoy maliban pa sa mga anghel.
Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya, upang makatiyak ang mga binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: "Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?" Gayon nagpapaligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao.
para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na magpakauna o magpakahuli.
Magsasabi ang mga ito: "Hindi kami noon kabilang sa mga nagdarasal,
kami noon ay sumusuong [sa kabulaanan] kasama sa mga sumusuong [sa kabulaanan],
Kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pamamagitan ng mga tagapamagitan.
Kaya ano ang mayroon sa kanila na sa pagpapaalaala ay mga tagaayaw?
Bagkus nagnais ang bawat tao kabilang sa kanila na bigyan ng mga pahinang iniladlad.
Aba’y hindi! Bagkus hindi sila nangangamba sa Kabilang-buhay.
At hindi sila mag-aalaala maliban na loobin ni Allāh. Siya ay ang karapat-dapat sa pangingilag sa pagkakasala at ang karapat-dapat sa pagpapatawad.