البحث

عبارات مقترحة:

الواسع

كلمة (الواسع) في اللغة اسم فاعل من الفعل (وَسِعَ يَسَع) والمصدر...

الشكور

كلمة (شكور) في اللغة صيغة مبالغة من الشُّكر، وهو الثناء، ويأتي...

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

1- ﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ عَبَسَ وَتَوَلَّىٰ﴾


Nagpasimangot ang Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ng mukha niya at umayaw

2- ﴿أَنْ جَاءَهُ الْأَعْمَىٰ﴾


dahil sa pagdating ni `Abdullāh bin Ummi Maktūm, na nagpapagabay sa kanya. Ito ay isang bulag. Dumating ito sa Sugo - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - habang abala naman ang Sugo sa mga pinakamalaki sa mga tagatambal dahil sa pag-asa sa kapatnubayan nila.

3- ﴿وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّهُ يَزَّكَّىٰ﴾


At ano ang magpapaalam sa iyo, o Sugo, na sa gayon ang bulag na ito ay magpapakadalisay sa mga pagkakasala niya,

4- ﴿أَوْ يَذَّكَّرُ فَتَنْفَعَهُ الذِّكْرَىٰ﴾


o mapangangaralan ng maririnig niya mula sa iyon na mga pangaral para makinabang siya sa mga ito?

5- ﴿أَمَّا مَنِ اسْتَغْنَىٰ﴾


Tungkol sa nag-akalang nakasasapat sa sarili niya dahil sa taglay niyang yaman para manampalataya pa sa dinala mo,

6- ﴿فَأَنْتَ لَهُ تَصَدَّىٰ﴾


ikaw ay humarap sa kanya at lumapit sa kanya.

7- ﴿وَمَا عَلَيْكَ أَلَّا يَزَّكَّىٰ﴾


May aling bagay na dadapo sa iyo kapag hindi siya nagpakadalisay sa mga pagkakasala niya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kay Allāh?

8- ﴿وَأَمَّا مَنْ جَاءَكَ يَسْعَىٰ﴾


At tungkol naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi sa paghahanap ng kabutihan

9- ﴿وَهُوَ يَخْشَىٰ﴾


habang siya ay natatakot sa Panginoon niya,

10- ﴿فَأَنْتَ عَنْهُ تَلَهَّىٰ﴾


ikaw ay nagpakaabala palayo sa kanya sa iba sa kanya kabilang sa mga pinakamalaking tao ng mga tagatambal.

11- ﴿كَلَّا إِنَّهَا تَذْكِرَةٌ﴾


Ang usapin ay hindi gayon. Tanging ang mga [talatang] ito ay isang pangaral at isang pagpapaalaala para sa sinumang tatanggap.

12- ﴿فَمَنْ شَاءَ ذَكَرَهُ﴾


kaya ang sinumang lumuob na mag-alaala kay Allāh ay mag-aalaala sa Kanya at mapangangaralan ng nasa Qur’an na ito.

13- ﴿فِي صُحُفٍ مُكَرَّمَةٍ﴾


Ang Qur'ān na ito ay nasa mga pahinang marangal sa ganang mga anghel,

14- ﴿مَرْفُوعَةٍ مُطَهَّرَةٍ﴾


na inangat sa isang lugar na mataas, na dinalisay na hindi dinadapuan ng karumihan ni kasalaulaan.

15- ﴿بِأَيْدِي سَفَرَةٍ﴾


Ang mga ito ay nasa mga kamay ng mga sugo kabilang sa mga anghel,

16- ﴿كِرَامٍ بَرَرَةٍ﴾


na mararangal sa ganang Panginoon nila, na mararami sa paggawa ng kabutihan at mga pagtalima.

17- ﴿قُتِلَ الْإِنْسَانُ مَا أَكْفَرَهُ﴾


Sumpain ang taong tagatangging sumampalataya; anong tindi ng kawalang-pananampalataya nito kay Allāh!

18- ﴿مِنْ أَيِّ شَيْءٍ خَلَقَهُ﴾


Mula sa aling bagay lumikha rito si Allāh upang magpakamalaki ito sa lupa at tumangging sumampalataya ito sa Kanya?

19- ﴿مِنْ نُطْفَةٍ خَلَقَهُ فَقَدَّرَهُ﴾


Mula sa likidong kakaunti lumikha Siya rito, at nagtakda Siya sa paglikha nito sa isang yugto matapos na isang yugto.

20- ﴿ثُمَّ السَّبِيلَ يَسَّرَهُ﴾


Pagkatapos ay nagpadali Siya para rito - matapos ng mga yugtong ito - ng paglabas mula sa tiyan ng ina nito.

21- ﴿ثُمَّ أَمَاتَهُ فَأَقْبَرَهُ﴾


Pagkatapos, matapos na nagtakda Siya para rito ng haba ng buhay ay nagbigay-kamatayan Siya rito, at gumawa Siya para rito ng isang libingan na mananatili ito roon hanggang sa buhayin ito.

22- ﴿ثُمَّ إِذَا شَاءَ أَنْشَرَهُ﴾


Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito para sa pagtutuos at pagganti.

23- ﴿كَلَّا لَمَّا يَقْضِ مَا أَمَرَهُ﴾


Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguni-guni ng tagatangging sumampalataya na ito raw ay nagsagawa ng tungkulin na kailangan dito para sa Panginoon nito sapagkat ito ay hindi nagsagawa ng inobliga ni Allāh dito na mga tungkulin.

24- ﴿فَلْيَنْظُرِ الْإِنْسَانُ إِلَىٰ طَعَامِهِ﴾


Kaya tumingin ang taong tagatangging sumampalataya kay Allāh sa pagkain nito na kinakain nito kung papaanong natamo nito -

25- ﴿أَنَّا صَبَبْنَا الْمَاءَ صَبًّا﴾


sapagkat ang pinanggalingan nito ay ang ulan na bumababa mula sa langit nang may kalakasan at kasaganahan,

26- ﴿ثُمَّ شَقَقْنَا الْأَرْضَ شَقًّا﴾


pagkatapos ay bumasag Kami sa lupa kaya nabiyak ito para sa halaman,

27- ﴿فَأَنْبَتْنَا فِيهَا حَبًّا﴾


at nagpatubo Kami rito ng mga butil ng trigo, mais, at iba sa mga ito.

28- ﴿وَعِنَبًا وَقَضْبًا﴾


Nagpatubo Kami rito ng ubas at halamang sariwa upang maging kumpay para sa mga hayop ninyo.

29- ﴿وَزَيْتُونًا وَنَخْلًا﴾


Nagpatubo Kami rito ng oliba at datiles.

30- ﴿وَحَدَائِقَ غُلْبًا﴾


Nagpatubo Kami rito ng mga patanimang marami ang mga puno.

31- ﴿وَفَاكِهَةً وَأَبًّا﴾


Nagpatubo Kami rito ng prutas at nagpatubo Kami rito ng kinakain ng mga hayop ninyo.

32- ﴿مَتَاعًا لَكُمْ وَلِأَنْعَامِكُمْ﴾


Para sa pakikinabang ninyo at pakikinabang ng mga hayop ninyo.

33- ﴿فَإِذَا جَاءَتِ الصَّاخَّةُ﴾


Ngunit kapag dumating ang sigaw na malakas na dadagundong sa mga tainga, ang ikalawang pag-ihip [sa tambuli]

34- ﴿يَوْمَ يَفِرُّ الْمَرْءُ مِنْ أَخِيهِ﴾


sa Araw na pupuslit ang tao mula sa kapatid niya,

35- ﴿وَأُمِّهِ وَأَبِيهِ﴾


at tatakas siya mula sa ina niya at ama niya,

36- ﴿وَصَاحِبَتِهِ وَبَنِيهِ﴾


at tatakas siya mula sa asawa niya at mga anak niya.

37- ﴿لِكُلِّ امْرِئٍ مِنْهُمْ يَوْمَئِذٍ شَأْنٌ يُغْنِيهِ﴾


Para sa bawat isa kabilang sa kanila ay isang mag-aabala sa kanya palayo sa iba pa dahil sa tindi ng mga dalamhati sa Araw na iyon.

38- ﴿وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ مُسْفِرَةٌ﴾


Ang mga mukha ng mga maligaya sa Araw na iyon na tumatanglaw,

39- ﴿ضَاحِكَةٌ مُسْتَبْشِرَةٌ﴾


na tumatawa na natutuwa dahil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na awa Niya.

40- ﴿وَوُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ عَلَيْهَا غَبَرَةٌ﴾


At ang mga mukha ng mga malumbay sa Araw na iyon ay may alabok sa mga ito.

41- ﴿تَرْهَقُهَا قَتَرَةٌ﴾


May lulukob sa mga ito ng isang dilim.

42- ﴿أُولَٰئِكَ هُمُ الْكَفَرَةُ الْفَجَرَةُ﴾


Ang mga nailarawang iyon sa kalagayang iyon ay ang mga nagsawa sa kawalang-pananampalataya at kasamaang-loob.

الترجمات والتفاسير لهذه السورة: