العزيز
كلمة (عزيز) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) وهو من العزّة،...
Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,
sumpa man sa mga [anghel na] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagpapakalat,
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?
Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog, at nagpainom Kami sa inyo ng tubig tabang.
[Sasabihin]: "Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan.
na hindi makalililim ni makapagdudulot laban sa liyab."
Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo.
at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila.
Ito ay Araw ng Pagpapasya; kakalap Kami sa inyo at sa mga sinauna.
Kaya kung mayroon kayong isang pakana ay magpakana kayo laban sa Akin.
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal,
[Sasabihin]: "Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa."
Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti.
[Sasabihin]: "Kumain kayo at magtamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin."
At kapag sinabi sa kanila: "Yumukod kayo," hindi sila yumuyukod.
Kaya sa aling pag-uusap matapos nito sasampalataya sila?